^

PSN Opinyon

Ang kapalarang naghihintay sa Year of the Black Snake

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ang kapalarang naghihintay sa Year of the Black Snake
Itim na ahas
Image by Katy_Heejin from Pixabay

Sa pagpasok ng 2025, ang Year of the Black Snake, marami sa atin ang excited o di kaya ay kinakabahan sa kung ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa atin sa mga darating na buwan. 

Kamakailan sa aking programang "Pamilya Talk," nagkaroon tayo ng pagkakataong maka-kwentuhan ang Feng Shui expert na si Master Ang ukol sa naghihintay sa atin sa 2025, at sa halaga ng pagkakaroon ng positibong pananaw at sipag sa pagharap sa mga hamon ng buhay.  

Ang Black Snake ay sumisimbolo ng katatagan.  Ngunit may pahiwatig ding mga hidwaan at hamon. Binanggit ni Master Ang na maaaring magdala ng negatibong enerhiya ang taon, kaya’t mahalaga ang pagiging maingat laban sa mga negatibong tao o mga aktibidad, maging sa mga personal na relasyon.

Ang 2025 ay ang Year of the Black Snake na sumisimbolo ng katatagan. Ngunit may pahiwatig din itong mga hidwaan at hamon
Pexels.com

Ang tamang pagsalubong sa 2025

Ayon kay Master Ang, ang isa sa pinakasimple ngunit pinakamakabuluhang hakbang na maaari nating gawin ay ang paglilinis at pag-aayos, hindi lamang ng ating mga tahanan, kundi pati na ng ating mga personal na gamit. 

Ang pag-aayos o pag-declutter ng mga pitaka, bag, at kahit na mga gadget ay hindi lamang para mas maaliwalas ang mga bagay na lagi nating bitbit, sinisiguro rin nating malinis at may espasyo ang mga papasok na swerte sa ating buhay!

Binanggit din ni Master Ang ang halaga ng pagiging positibo sa lahat ng aspeto sa pagsalubong sa bagong taon. Ang mga simpleng gawain tulad ng paghahanda ng paboritong pagkain ng pamilya, pananatiling maliwanag ng tahanan, at pagtutok sa mga masasayang sandali kasama ang mga mahal sa buhay ay walang katumbas sa pagtataboy ng mga negative energy na konektado sa Year of the Black Snake. 

Subaybayan sa aking social media platforms ang aming kuwentuhan ni Master Ang sa “Pamilya Talk!” Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa atin sa 2025, at ano ang mga maaari nating gawin para maramdaman ang swerte sa ating buhay-buhay?

Tungkol naman sa mga tradisyonal na kaugalian tulad ng paglalagay ng bilog na mga prutas sa bisperas ng Bagong Taon, ibinahagi ni Master Ang na anim o walong prutas – sa halip na ang nakasanayan nating labindalawa – ay maaari pa ring magdala ng suwerte, basta’t bilog ang mga ito na sumisimbolo sa pagiging buo at masagana. 

Ano ang kapalaran ng Zodiac animal mo?

Para sa mga excited nang malaman kung swerte ba o malas ang kanilang Zodiac Animal sa 2025, narito ang sagot sa atin ni Master Ang:

Rat: Maraming oportunidad sa iyong career, ngunit kailangan pa rin ang sipag at tiyaga.  

Ox: Mas magaan ang taong ito kumpara sa naging mga hamon noong 2024 para sa’yo.

Tiger: Mas maraming pagsubok ang 2025, kaya maging maingat sa bawat aspeto

Rabbit: Mag-ingat kung sino ang mga pagkakatiwalaan para wala nang maging hadlang sa suwerte mo sa 2025.

Ano ang kapalarang hatid ng iyong Zodiac Animal sa 2025?
Pexels.com

Dragon: Masuwerte ang 2025 para sa’yo. 

Snake: Kahit Snake ang Zodiac Animal ng 2025, maaaring mailap pa rin ang suwerte, kaya’t huwag basta-basta sa mga desisyon.

Horse: Hati ang suwerte mo sa 2025 – maganda mula Enero hanggang Hunyo, ngunit mababawasan mula Hulyo hanggang Disyembre 2025. 

Goat: Patuloy ang pagdating ng suwerte para sa mga Year of the Goat, kaya naman ipagpatuloy lamang ang mga positibong gawain at gilas sa trabaho.

Monkey: Hanggang 2025, ang angking talino o talas ng isip ng mga Year of the Monkey ang panggagalingan ng kanilang suwerte, basta’t magiging maingat.

Rooster: 2025 ang taon kung kailan masusuklian ang sipag mo, kapit lang!

Dog: Kung naging puno ng hamon o pagsubok ang 2024, suwerte naman ang naghihintay sa’yo sa 2025 (Bilang isa sa mga pinanganak sa Year of the Dog, good news ito para sa akin!).

Pig: Dahil ang Pig ang isa sa mga salungat sa Snake, maaaring puno ng hamon ang taong naghihintay.  Ngunit kayang-kaya ito kung magiging maingat, positibo, at masipag.

Ayon rin kay Master Ang, ang mga masuwerteng kulay para sa 2025 ay asul, berde, dilaw, orange, at kayumanggi, habang ang numero 8 ay partikular na masuwerte.  

Ang katotohanan sa likod ng mga lucky charm natin

Napag-usapan din namin ang papel ng mga lucky charm at kani-kaniyang ritwal sa pag-akit ng suwerte. Mula sa Lucky Cats hanggang sa Evil Eye charms at Wu Lou pendants, pinaalala ni Master Ang na pumili nang mabuti at hindi kailangang gumastos nang sobra-sobra sa mga ito. Sa katunayan, kahit mga simpleng bagay nga lang tulad ng asin ay sapat na para makatulong sa pagpapalaganap ng positive energy sa ating tahanan.

Ang Lucky Cat ang isa sa mga pangkaraniwang lucky charms na nakikita natin.
Pexels.com

Tinalakay din namin ang ilan sa mga nakasanayan na nating gawin sa pag-akit ng suwerte, mula sa pagpapalit ng kurtina hanggang sa pagdadala ng pera sa bulsa sa bisperas ng Bagong Taon. Kung nais mo ring malaman kung alin sa mga ito ang aprub kay Master Ang, abangan sa aking Facebook at YouTube ang susunod naming episode sa *Pamilya Talk* kung saan ibabahagi ng ating guest ang kanyang tips!

Habang nakakaaliw ang mga payo ni Master Ang, mahalagang alalahanin natin na ang swerte ay isang bahagi lamang ng equation. May hatid mang inspirasyon ang mga bituin at simbolo, sa huli, ang mga aksyon at perspektibo pa rin natin ang maghahatid ng tagumpay at saya. 

Happy New Year, my KasamBuhays!  Salubungin natin ang 2025 nang may bukas na puso at isipan!  

----

Sundan ang aking social media accounts JingCastaneda: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, and Twitter.  Ipadala ang inyong mga tanong, suhestiyon at rekomendasyon sa [email protected]. 

FENG SHUI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with