Pampa-swerteng halaman JHING MAGNO'S GARDEN
Ilang araw na lamang ay Pasko at nalalapit na rin ang Bagong Taon o 2025 na.
Kaya ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang garden na dati ay tambakan ng basura, pero ngayon ay luntian na, may tanim ng iba’t ibang pampa-swerteng halaman sa loob ng isang subdivision sa Biñan, Laguna.
Ang akin tinutukoy ay ang Jhing Magno’s Garden na pag-aari ni Jerrelyn “Jhing” Magno na makikita sa Block 10 Lot 11 Jasmine St., Metroville Complex, San Francisco Biñan Laguna.
Si Jhing ay isang virtual staff at free lancer ng ano mang maaaring pagkakitaan sa malinis na paraan.
Ayon kay Jhing, nagsimula ang kanyang “gardening journey” noong kasagsagan ng Pandemya sa COVID-19.
Aniya, malapit sa kanilang tirahan sa loob ng subdivion ay may bakanteng lote na ginagawang tambakan ng basura.
Nakiusap siya sa mga opisyal ng kanilang village na lilinisin niya at tatamnan ito ng mga halaman.
Unang nagtanim ng iba’t ibang uri ng gulay si Jhing pero hindi niya masyadong napaganda dahil sa kalidad ng lupa sa kanilang lugar.
Kaya lumipat siya sa pagtatanim ng mga pampa-suwerteng halaman.
Sinabi ni Jhing, nagsimula siya sa P500 na puhunan na kanyang pinambili ng paso habang ang halaman na “Golden Pathos” ay nahingi lamang niya sa isang kaibigan.
Mabilis na naparami ni Jhing ang kanyang mga tanim hanggang i-vlog niya ang mga ito at marami ang nag-avail at bumili.
Maging ang mister ni Jhing at kanilang anak ay tumutulong na rin sa pagtatanim ng iba’t ibang pampa-swerteng halaman dahil sa lakas ng demand.
“Bonding na rin na-min ng aking pamilya ang pagtatanim at masasabi kong may kita sa paghahalaman.
For me, farming is enjoyable and Profitable,” sabi ni Jhing.
Mayroon na nga-yong tanim ng mahigit sa 75 iba’t ibang uri ng pampa-swerteng halaman si Jhing sa dating tambakan ng basura.
Sa ngayon ay nagsisilbing “lungs” o hingahan ng sariwang hangin sa loob ng subdi-vision ang luntian garden ni Jhing.
“We aim to spread the green to our community just to give back to mother nature,” aniya.
Ilan sa mabiling tanim na pampaswerteng halaman ni Jhing ay ang billionare’s plant, money tree, welcome plants, pink princess, giant philadendron, rubber tree at marami pang iba.
Mayroon na ring mga tanim na imported na halaman o galing sa ibang bansa si Jhing.
Sa ngayon ay nasa mahigit sa 500,000 libo na ang halaga ng mga tanim na pampa-swerteng halaman ni Jhing na dating nagsimula sa 500 pesos na puhunan.
“Kung nais po ninyong pumasok ang swerte sa loob ng inyong bahay ngayong 2025 i-try po ninyo na magtanim ng mga halaman na naghihikayat ng good vibration, good harmony, attract mo-ney, positive energy sa harap ng inyong mga bahay,” sabi pa ni Jhing.
Sa mga nagnanais mag-avail o bumili ng mga tanim na pampa-swerteng halaman ni Jhing lalo na nga-yon ay papasok na ang 2025 o bagong taon ay i-text lang ninyo siya sa 0917-716-93-45 o kaya’y magpadala kayo ng mensahe sa kanyang FB page na Jhing Magno’s Garden.
Ngayong Linggo, December 29, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at garden tour kay Jhing Magno sa kanilang garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5.
Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest