TATLONG araw na lang at Pasko na. Nawa’y magkaroon ng break ang madlang people sa nangyayaring bangayan sa Kongreso at Senado.
Hayun at nakabinbin ang tatlong impeachment cases filed against Vice President Sara Duterte.
Ang unang impeachment complaint laban kay VP Sara ay inihain ng civil society organizations na pinangunahan ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña noong Disyembre 2.
Ang ikalawang impeachment complaint ay inihain noong Disyembre 4 sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).
Ang ikatlong impeachment complaint ay inihain ng religious groups at mga abogado noong Disyembre 19 na pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants.
Ang pagsasampa ng impeachment ay nag-ugat sa mga isinagawang imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability sa Office of the Vice President at Department of Education na dating pinamunuan ni Sara dahil sa umano’y misuse sa confidential funds.
Habang pinuputakti ng impeachment complaint si Sara, may nakaamba namang separate cases laban sa kanyang amang si dating President Rordrigo Duterte.
May kaugnayan sa crime against humanity ang isasampa kay Digong at dalawang senador. Ang pagsasampa ay bunsod din sa ginawang mga imbestigasyon ng House quad committee.
Kaya nga Pasko na at tila wala pang logical conclusion ang mga nangyayari ngayon.
Ang tanong: Ano ang kahihinatnan ng mga ito?
Ang sagot n’yo ay maaring kapareho rin ng sagot ko.