^

PSN Opinyon

Dysmenorrhea

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikaw ay babae malamang na nakararanas ka ng pananakit ng puson o menstrual cramps bago dumating o habang mayroong regla. Tinatawag din itong dysmenorrhea.

Ang nakababagot, nakagagambala at sobrang pana­nakit ng puson ay nabubuo sa ibabang bahagi ng tiyan at gayundin sa likod at hita.

Ang iba naman ay nakararanas pa ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagpapawis at pagkahilo.

Ayon sa mga eksperto, ang pananakit ay dahil sa paghilab ng matris na nagpapahiwatig na ang daluyan ng dugo ay naiipit.

May kondisyon din tulad ng endometriosis at uterine fibroids na nagdudulot ng sakit sa puson.

Ang menstrual cramps ay nababawasan habang nagkaka-edad at nawawala pagkatapos manganak.

Tips para makaramdam ng ginhawa at maiwasan ang menstrual cramps:

1. Lagyan ng hot compress – Subukan magbabad sa bath tub ng may maligamgam na tubig o mag-apply ng hot compress (mainit na twalya) sa iyong ibabang bahagi ng tiyan.

2. Mag-ehersisyo – Nakatutulong ito na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

3. Pain relievers na panandalian lang – Puwede ang paracetamol, ibuprofen o naproxen kapag nagsimula na makaramdam ng cramps. Kung hindi naman ganoon kasakit, huwag na lang uminom ng pain relievers.

4. Dietary supplement – Ayon sa ilang pag-aaral, ang Vitamin E, thiamin, at omega-3 supplement ay maaaring makatulong na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

5. Kumunsulta sa doktor kung ang menstrual cramps ay sobrang sakit, may kasamang lagnat, hindi nawawala at nakagagambala sa iyo. Kumunsulta rin kung naduduwal, mayroong kakaibang discharge sa puwerta.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with