^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan matatapos exodus ng OFWs?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan matatapos exodus ng OFWs?

Halos araw-araw ay may umaalis na Overseas Fili­pino Workers (OFWs). Karamihan sa kanila ay patu­ngong Saudi Arabia, Kuwait, Hong Kong, Singapore at marami pang bansa sa buong mundo. Tinatayang 10 milyong OFWs ang nakakalat sa maraming bansa at inaasahang madaragdagan pa. Naging kakambal na ng mga Pilipino ang pag-alis at magtrabaho sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, kilalang-kilala ang Pilipinas sa pagpapadala ng workers sa ibang bansa.

Nagsimula ang exodus ng OFWs noong dekada 70. Maraming trabahador na Pinoy ang nagtungo sa Saudi Arabia. Malaki ang naitulong ng OFWs sa pagtatayo ng modernong Saudi Arabia. Hanggang ngayon, pa­tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga Pinoy sa Saudi. Dati mga trabahador ang nagtutungo roon, ngayon, mga nurses, engineers, architect at pati na rin domestic helpers.

Sa kasalukuyan, nagre-remit ang landbased-OFWs ng $2.48 bilyon samantalang ang seabased-OFWs ay $600 milyon. Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang ipinadadala ng OFWs. Nangunguna naman ang mga OFWs sa United States sa may pinakamalaking remittances at pangalawa ang Saudi Arabia.

Sa malaking tulong ng OFWs, tanggap na ng lahat­ na ang pinakamahalagang ini-export ng Pilipinas ay mga workers. Kung ang ibang bansa ay mga mahaha­lagang produkto ang ini-export, ang Pilipinas ay OFWs. Maha­bang panahon na ito ang ini-export at ma­sakit mang tanggapin, marami sa mga ini-export na OFWs ay nag­daranas ng mga hindi makataong pagtrato sa kanilang employer.

Halimbawa sa Kuwait na marami nang Pinay DHs ang pinatay at ni-rape ng amo. Marami rin sa kanila ang hindi pinasusuweldo. Marami ring OFWs ang nagiging biktima ng illegal recruiter at drug syndicate. Isang ha­limbawa si Mary Jane Veloso na nahuli sa Indonesia makaraang mahulihan ng cocaine sa baggage. Bitay ang hatol sa kanya subalit naibaba dahil sa pakiusap ng Presidente ng Pilipinas. Nakauwi na si Veloso kahapon at nasa Correctional Institution for Women.

Maraming dinaranas ang OFWs habang nasa ban­sang pinagtatarabahuhan. Napagbibintangan sa kasa­­la­nang hindi naman ginawa. Mayroong nakapatay dahil sa pag­tatanggol sa sarili. Ang masakit, hindi nakakakuha ng hustisya. May pinupugutan ng ulo at walang kaalam-alam ang gobyerno ng Pilipinas sa sinapit ng kawawang OFW.

Noong Disyembre 17, pinasinayaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers’ (DMW) Bagong Pilipinas One-Stop OFW AKSYON Center, sa Makati. Ito raw ang tutulong sa pa­ngangailangan ng OFWs. Mabilis at tiyak na serbisyo.

Sana nga, magkatotoo ito. Subalit wala nang hu­husay pa kung matatapos na ang exodus ng OFWs. Hindi na mag-e-export ng OFWs.

OVERSEAS FILI­PINO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with