^

PSN Opinyon

Uminom ng maligamgam na tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga benepisyo sa pag-inom ng maligamgam na tubig:

1. Para maging regular ang pagdumi – Sa pag-inom ng maligamgam na tubig, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas malambot ito at madaling mailabas.

2. Magandang sirkulasyon ng dugo – Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa ating katawan.

3. Nakababawas ng stress – Ang isang tasang maligam­gam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.

4. Maayos na tulog – Ayon sa pagsasaliksik, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para ma-relax ang katawan at madaling makatulog.

5. Mabuting panunaw – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng kinain. Tumutulong para makapasok ang sustansiya sa katawan.

MALIGAMGAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with