^

PSN Opinyon

Sobra na sa bilang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman at napansin na rin ito. Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa dalawang kompanyang motorcyle taxi.

Ayon sa LTFRB, hindi sinunod ng Angkas at MoveIt ang bilang ng motorsiklong pinatatakbo sa Metro Manila. Nagla­gay pala ng takdang bilang ng motorsiklo para sa tatlong kompanya—Angkas, Joyride, MoveIt—na tig-15,000, kaya 45,000 lang dapat ang bilang ng mga iyan sa Metro Manila.

Wala namang sinabing nagpadala rin ng SCO sa Joyride. May pagkakataon silang magpaliwanag ngayong Miyerkules. Ayon din sa LTFRB, kung humigit ang mga kompanya sa nakatakdang bilang ng motorsiklong pinatatakbo, maaaring­ masuspindi o matanggal sa programa ng gobyerno.

Mapapansin nga ang dami ng mga motorsiklo sa kalsada ngayon. Bukod sa motorcyle taxis, nandiyan na rin ang deli­very couriers.

Ang masasabi ko lang ay kung ganyan nga ang dami ng motorsiklo sa kalsada, sana naman ay ginagawan ng paraan ng mga ahensiya ng gobyerno, maging PNP, LTFRB at LTO para maging disiplinado naman lahat.

Hindi ako magtataka kung lahat ng drayber ng sasakyan sa Metro Manila ay nagkaroon ng isang hindi magandanag enkwentro sa motorsiklo.

Hindi naiintindihan ng mga rider na may mga blind spot o lugar na hindi matatanaw ng drayber ng sasakyan kaya kung sisingit sila at hindi makikita ng drayber, aksidente na.

Hindi kayang ipakita ng maliit na salamin ng kotse ang buong nagaganap sa kanyang tabi. At bakit tila pinababa­yaan na lang ang mga motorsiklong lumabag sa mga batas-trapiko?

Nakalagay “no right turn on red signal” pero may kumakanan pa rin. One-way na kalsada sinasalubong. Double-yellow na bahagi ng kalsada hindi papansinin at magka-counterflow. May harang na nga ang mga hanay tulad sa Boni Serrano, counterflow pa rin. Pula na ang ilaw, sige pa rin.

Mga matitindi mag-swerving. Tapos tila pinababayaan na lang ng mga enforcer kung meron man. Sa mga checkpoint lang ng PNP humihinto ang mga motorsiklo.

Naniniwala akong mahalaga ang motorcycle taxi at courier service sa ekonomiya ng bansa. Nagkaroon nga ng pagkakataon ang marming rider na kumita nang maayos.

Pero sana naman, hindi isipin na sila lang ang may pribilehiyo sa kalsada. Na kayang gawin lahat pati na rin ang paglabag sa mga batas trapiko. Mas lalo na ngayong kapaskuhan kung saan matindi na ang trapik.

Ito ang panahon kung saan maraming maikli ang pasensiya. Huwag sanang masira ang diwa at kasayahan ng Pasko dahil lamang sa alitan at away sa kalsada.

MOTORCYLE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with