^

PSN Opinyon

Handler ng 3 nuisance candidates sa Laguna, olats ng P3-M!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PARANG tumama sa palarong lotto ng PCSO itong tatlong panggulong kandidato na tatakbo sana sa matataas na po­sisyon sa probinsiya ng Laguna sa darating na 2025 midterm elections. Kasi nga mga kosa, binayaran pala sila ng tig-P1 milyon para lang mag-file ng certificate of candi­dacy para guluhin ang tsansang manalo nina Laguna Gov. Ramil Hernandez at asawang si Rep. Ruth Hernandez. Araguyyyyy!

Ang problema lang, ibinasura ng Commission on Elections ang COC nina Dante, at ang magkapatid na Winy at Jemma, na pawang may apelyidong Hernandez at idineklara silang tatlo na nuisance candidates. Sanamagan!

Kaya ang Marites na kumakalat sa ngayon sa Laguna ay nagpuputok ang butse ng handler ng tatlong nuisance can­didates dahil hindi nagtagumpay ang maitim n’yang ba­lakin. Mismooo! At higit sa lahat, hindi malaman ng handler kung paano n’ya mababawi ang P3 milyon na pinakawalan n’ya dahil ang tatlo, ayon sa kumakalat na balita, ay nagtatago na. Hehehe! Naloko na!

Sinabi ng mga kosa ko na walang ibang layunin sa pag­susumite ng kanilang mga COC itong tatlo kundi lituhin ang mga botante at guluhin ang magiging resulta ng eleksyon­. Batid kasi ng mga Lagunense na wala naman silang kakayahan na tumakbo at magsagawa ng malawakan at organisadong kampanya, upang magwagi sa darating na halalan.

Sa madaling salita, talagang nakapagdududa ang layunin nilang tatlo sa pagtakbo. Hehehe! Kelangan pa bang i-me­morize ‘yan?

Bale ba naman, sa pagsusumite nila ng kani-kanilang mga COC ay gumamit sila ng mga hindi nila totoong palayaw para ilagay sa balota. Halimbawa na lang si Dante na nag­sumite ng COC sa pagka-kongresista ng 2nd District na ang gustong ilagay sa balota ay ang alias na Romeo, at si Winy naman na tatakbo rin sa parehong posisyon ay gustong gamitin ang pangalang Ram.

Kung papansining maigi ay parehong katunog ang mga alyas na gusto nilang gamitin sa totoong pangalan ni incumbent Laguna Gov. Ramil Hernandez na tatakbo rin bilang kongresista sa nasabing distrito. Tumpak! 

Ito namang si Jemma na tatakbo kunong gobernadora ay gustong gamitin sa balota ang alias na Rose na masiyadong malapit at kasing-tunog ng pangalan ni 2nd District Rep. Ruth Hernandez, na tatakbo ring gobernadora. 

Maliwanag pa sa sikat ng araw na wala silang ibang layunin  kundi lituhin ang mga botante para akalain na ang ibinoboto nila ay ang mga totoong kandidatong sina incumbent Gov. Ramil Hernandez at asawa niya na si Rep. Ruth Hernandez. Sal-it! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman nabuking ng Comelec 2nd Division ang maitim na plano ng handler nila at walang pag-aatubili na ibinasura ang kandidatura ng mga magkakamag-anak na ito. Tahasang sinabi ng Comelec na ang pagpapalit nila ng pangalan para sa darating na halalan ay ginawa at sinadya upang lituhin ang mga botante.

Ito kayang handler ng tatlo ang siya ring pasimuno sa maagang pamimigay ng isang sakong bigas at P1,000 cash kapalit ng cash registration ng mga botante? Your guess is as good as mine mga kosa. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with