Natural na panlaban sa hika
NARITO ang mga kaalamang natutunan ko tungkol sa hika. Puwede ninyo itong subukan.
1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng asthma.
2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na mukokinetic na nagpapaluwag ng plema sa baga.
3. Kapag inaatake ng hika, subukang uminom ng matapang na black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para makaiwas sa hika.
5. Uminom ng Vitamin C tablet 500 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.
6. Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses bawat linggo. Subukan mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang pag-hinga.
Iwasan ang mga sumusunod:
1. Ang softdrinks ay nakapagsisimula ng hika, lalo na sa mga bata.
2. Ang vetsin ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake.
3. Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
4. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans. Lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapang huminga.
5. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o y’ung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maruming hangin at lugar. Magsuot ng mask para sa proteksiyon.
- Latest