^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sampolan ang agri smugglers!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sampolan ang agri smugglers!

Wala pang nasasampolan si President Ferdinand Marcos Jr. na mga smugglers ng agricultural pro­ducts mula nang lagdaan niya ang batas noong naka­raang Setyembre. Sabi niya nang lagdaan ang Republic 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, mapaparusahan na ang mga nanabotahe sa ekonomiya. Hindi raw titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nahu­huli at napaparusahan ang mga smuggler ng agri pro­ducts na kinabibilangan ng bigas, isda, gulay, asukal at marami pa. Ayon sa Presidente, bukod sa nadadaya ang pamahalaan, apektado ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Inaagawan ang mga ito ng mga ganid na smugglers.

Ilang buwan makaraang lagdaan ang RA 12022, nakasabat ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 21 containers ng frozen mackerel na galing China na nagkakahalaga ng P178.5 milyon sa Manila International Container Port (MICP). Hindi pa naka­kasuhan hanggang ngayon ang consignee ng shipment.

Ipinasya naman ni Marcos na ipamahagi ang mga nakumpiskang mackerel sa mga mahihirap na residente ng Baseco, Port Area, Manila noong Sabado. Nasa 21,000 pamilya ang nakatanggap ng dalawang kilong mackerel bukod pa sa ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang bawat pamilya ay nakatanggap ng dalawang kilo ng mackerel.

Sabi ng Presidente, naiiba raw ang pamasko nila na sa halip na hamon at mga lechon, mga isda ang kanilang dala. Ginanap ang pamamahagi ng mackerel at iba pa sa Benigno S. Aquino Jr. Elementary School Gym. Sinabi rin ni Marcos na pinaiigting pa ng pamahalaan ang pagtugis sa agri smugglers ganundin sa hoarders. Namahagi rin ng mackerel sa iba pang mga pinakamahihirap na barangay sa Metro Manila, Obando at Meycauayan, Bulacan, at Bacoor, Cavite.

Kung maraming isda ang ipinupuslit sa bansa, mas marami ang bigas dahil sa sabwatan ng rice importers at mga tusong negosyante. Kahit na ibinaba na ang taripa para sa imported rice, mataas pa rin ang presyo ng bigas sa pamilihan na halos umabot sa mahigit P50 bawat kilo.

Noong Setyembre, maraming bigas ang natengga sa MICP at iba pang pantalan sa bansa. Sabi ng Philip­pine Port Authority, hindi kinukuha ng importer ang bigas dahil balak i-hoard ang mga ito. Kapag naubos na ang bigas sa mga palengke, saka ilalabas ng mga tusong negosyante.

Hindi na nagkaroon ng follow-up sa mga natenggang bigas. Marahil nasa mga bodega at ilalabas lamang kapag mataas na ang presyo. Ang mga bigas na ito ang dapat kumpiskahin at ipamahagi sa mga mahihirap. Tamang-tama sa mackerel.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with