Dali! Mga guro, dalhin agad ang buong klase. Mga Sangguniang Kabataan, isama ang kasapian ng barangay.
Bukas na ang bagong viewing hall sa National Library of the Philippines. Apat na bahagi ang bulwagan:
- Panulat ng mga katutubong Pilipino – kabilang ang mga tanim, kabuhayan, kalakalan nu’ng sinaunang panahon;
- Mga akda nina Jose Rizal, Isabelo Delos Reyes, Lope K. Santos, atbp. kontra kolonyalistang España at America – o orihinal na Noli me Tangere at El Filibusterismo; sketches ni Rizal tulad ng “Ang Utot”; Ang pasyang pagbitay kay Andres Bonifacio; mga isyu ng La Solidaridad , at iba pa;
- Pagtatag ng Republika – dalawang poste ang sinasandalan ng Pilipinas, karapatang pantao at kasarinlan; at
- Mapa ng Pilipinas na nilimbag ni Padre Murillo Velarde, 1734.
Halos 300 taon noon, sina Indio Francisco Suarez ang aktwal na gumuhit at Nicolas dela Cruz Bagay ang nag-engrave ng Carta Hydrographica y Chorographica de las Islas Filipinas. Dinirehe sila ni Hesuwitong Padre Velarde.
Mahigit isang metro ang taas at lapad ng kuwadradong mapa. Natagpuan ito sa bodega ng Alnwick Castle kung saan nag-shooting ng pelikulang “Harry Potter”. Nabili ito ng Duke of Northumberland at inuwi sa kastilyo nu’ng ika-18 siglo.
Natagpuan ng Sotheby’s at in-auction ang mapa nu’ng 2017. Nabili ng $240,000 o P12 milyon ni Pilipinong negosyanteng si Mel Velasco Velarde, sa pakiusap ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio. (Itutuloy bukas)
***
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).