Marikina Mayor Teodoro, KO sa 1st round ng laban!
Dapat respetuhin ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang desisyon ng Commission on Elections na ibasura ang kanyang certificate of candidacy dahil sa “material representation.” Ang desisyon ng Comelec at hindi lang isang teknikal na tagumpay, kundi isang malakas na pahayag na ang demokrasya sa ating bansa ay umiiral pa rin sa pamamagitan ng mga institusyong tapat sa kanilang tungkulin.
Imbes na tanguan ang desisyon ng Comelec, malinaw pa sa sikat ng araw na ang estratehiya ng kampo ni Teodoro ay gamitin ang media mileage para makuha ang simpatiya ng publiko o botante sa District 1 ng Marikina. Eh di wow! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mismooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sa desisyong inilabas noong Disyembre 11, 2024 na nilagdaan nina Commissioners Ernesto Ferdinand Maceda, Aimee Ferolino at Socorro Inting, sinabi ng Comelec na nagkaroon ng material misrepresentation si Teodoro sa kanyang COC dahil sa maling pagdeklara ng kanyang paninirahan sa District 1.
Kinansela ang COC ni Teodoro matapos mapatunayang iniwan niya ang kanyang “domicile of origin” sa Unang Distrito at lumipat ng “domicile of choice” sa Ikalawang Distrito. Ayon sa Comelec, maling idineklara ni Teodoro na bumalik siya sa Barangay San Roque, mula Barangay Tumana.
“Masusing sinuri namin ang lahat ng ebidensiyang isinumite ng magkabilang panig at napag-alamang mas matimbang ang ebidensya ng mga petisyuner. Pinatunayan nito ang kanilang reklamo na nagkaroon ng material misrepresentation ang respondent sa kanyang kwalipikasyon sa paninirahan, dahilan upang kanselahin ang kanyang COC,” ayon sa Comelec.
“Sa pagdeklara sa kanyang COC ng kabaligtaran, kahit alam niyang hindi niya natutugunan ang minimum residency requirement, malinaw na nagkaroon ng material misrepresentation si Teodoro na hindi pwedeng palampasin ng Komisyon,” ang dagdag pa ng desisyon. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kung sabagay, expected naman na i-apela ni Teodoro ang desisyon ng Comelec.
Subalit mahalagang ipinaalala na ang sinumang humihiling ng reconsideration ay kinakailangang magdala ng “extraordinary grounds” upang mabago ang desisyon.
Sa kasong ito, malinaw na ang naturang mga basehan ay wala, kaya’t ang anumang pagtatangka na baguhin ang hatol ay magpapakita lamang ng kawalan ng respeto sa electoral process. Hindi ko layong husgahan ang publicity stunt ni Teodoro, ngunit ang ganitong kilos ay dapat tanungin: bakit tila mas binibigyang diin ang opinyon ng publiko kaysa sa respeto sa proseso ng batas? Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Tinanggihan ng poll body ang paliwanag ni Teodoro na ang kanyang abogado ang naghanda ng mga dokumento at gumamit ng pansamantalang address sa Ikalawang Distrito.
Binanggit din ng Comelec na ang mga dokumento ay notaryado, kaya may mas mataas itong halaga bilang ebidensiya sa legal at administratibong proseso. Idinagdag pa na sa pagpirma ni Teodoro sa mga dokumento, inaasahang alam niya ang nilalaman nito, kabilang ang nakasaad na address.
Binanggit din ng poll body na binago ni Teodoro ang kanyang driver’s license upang ipakita ang address nito sa Barangay Tumana na higit pang nagpapatibay sa kanyang intensyon na panatilihin ang legal na paninirahan doon. Tsk tsk tsk! Abangan!
- Latest