^

PSN Opinyon

Tanong at sagot sa pagtaba

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Nakatataba ba ang pag-inom ng malamig na tubig?

Hindi. Hindi nakatataba ang tubig, malamig man o mainit. Walang calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki iyan ng bilbil. Sa katunayan ay nakapapayat ang tubig.

2. May inumin ba na nakakapayat?

Isa lang ang nakakapayat. Ito ang tubig. Kaya umiwas na sa lahat ng mga juices, iced tea at softdrinks. Nakatataba masyado ang mga juices tulad ng pineapple juice, energy drinks, at bottled teas.

3. Nakatataba ba ang pagtulog sa hapon?

Hindi nakatataba ang tulog. Puwedeng matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain nang sobra.

4. Bakit lumalaki ang aking bilbil?

Kapag nagkakaedad (lampas 30-40 years old), mas lumalaki ang bilbil dahil bumabagal ang metabolism. Sa mga mas bata, kahit kumain sila nang marami ay hindi gaano tumataba dahil aktibo sila at mabilis pa ang kanilang meta­bolism.

5. Lumaki ang aking bilbil pagkapanganak. Puwede ba ako mag-ehersisyo?

Sa mga bagong panganak o bagong Caesarian, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na mag-ehersisyo. Kadalasan ay kailangang maghintay ng 6 linggo bago mag-umpisa ng magaan na ehersisyo (light exercise).

6. Puwede ba ang slimming tea o pills?

Hindi maganda ang pag-inom ng slimming tea o diet pills. Karamihan nito ay may halong pampadumi (laxatives) at ika’y magtatae. Puwede kang maubusan ng sustansya sa katawan at bumagsak ang potassium sa dugo. May nama­matay sa sobrang baba ng potassium. Puwede rin atakihin ng high blood at nerbiyos ang mga umiinom nito.

7. Puwede ba ako kumain ng prutas kahit gaano karami?

Hindi. Limitahan din ang pagkain ng prutas. Hindi ninyo alam pero nakatataba ang mangga, ubas at pineapple kapag nasobrahan ang iyong nakain. May fructose ang prutas na nakatataas din ng blood sugar. Sa bawat pagkain, isang pisngi lang ng mangga, o 10 piraso ng ubas lang ang dapat kainin. Ang mansanas at peras lang ang magandang pampapayat.

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with