^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Underground POGOs huwag tantanan!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Underground POGOs huwag tantanan!

Bukas, Disyembre 15, inaasahan nang wala nang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa—pati ang mga illegal na sinasabing nagbuo ng bago at nagpalit ng pangalan at nagkakanlong sa mga resort at restaurant. Sa ­Disyembre 31, wala nang ni isa mang POGO. Ang mga mapapatunayang nagkakanlong sa mga POGO pagkalipas ng deadline na sinaad ni President Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ay uusigin ng batas.

Sabi ni Marcos sa kanyang SONA kailangan nang itigil ang panggugulo ng POGO sa lipunan at paglapastangan sa bansa. Noong nakaraang buwan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 74 na nagbabawal sa lahat ng POGO sa bansa. Mahigpit ang kautusan na inaatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatupad ito at tiyaking hanggang Disyembre 31, 2024 na lamang ang lahat nang POGO sa bansa.

Nangako naman si DILG Sec. Jonvic Remulla na tutugisin ang mga nasa likod ng pagpapatakbo ng POGO guerilla operations. Ayon pa kay Remulla, sa Enero, maaari na raw ideklara na POGO-free ang bansa. Ayon naman kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, pagdating ng Disyembre 15 ay wala nang POGO.

Sana magkatotoo ang sinabi nina Remulla at Tengco na wala na ngang POGO pagpasok ng 2025. Ito ang hinahangad nang marami. Mula nang pumasok sa bansa ang POGO noong 2017, dumami ang krimen. Ipinangako noon na makakatulong daw ang POGO sa ekonomiya ng  bansa. Pero malaking pagkakamali sapagkat ang pagdami ng krimen ang naidulot sa bansa.

Ngayong patuloy ang pagtugis sa mga illegal POGOs, maging mabusisi sa bagong modus na ginagawa umanong front ang mga resort at restaurant. Target umano ay mga resort at restaurant sa probinsiya.

Isa pang dapat bantayan ay ang sinasabing government officials na tumutulong sa mga illegal POGOs para makapagpatuloy sa kanilang operasyon sa bansa. May mga government official umano na kinakasabwat ng POGO para sa pagpapatuloy ng operasyon. Pinapayuhan umano ng mga opisyales ang POGO na baguhin ang kanilang porma sa Business Process Outsourcing (BPO) pero mananatiling POGO pa rin ang operasyon. Napakasama ng ginagawang ito.

Paigtingin ang operasyon ng mga awtoridad, particular ang PAOCC laban sa illegal POGOs. Siguruhing lusaw na ang mga ito sa pagpasok ng 2025.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with