Ano ang ‘quiet quitting’?
MILYUN-MILYONG empleyado sa mundo ang biglang ni-layoff nu’ng pandemya, 2020-2021. Nagsara kasi ang mga pabrika’t opisina, at nanguluntoy ang mga negosyo.
Nawalan ng gana ang mga natirang empleyado. Nag-alala sila ku’ng malapit na ring sibakin. Nasira ang motibasyon sa trabaho. Hindi na nagsikap o pinagbuti ang tungkulin.
Tinawag ‘yang “quiet quitting” o tahimik na pagbibitiw. Lumaganap din sa mundo.
Piniili nila ang tahimik na pag-alis nang walang nakakapansin. Hindi ito pagsuko, desisyon na umiwas sa kontrobersya.
Mahigpit na pinanghawakan ng mga amo ang mahuhusay na empleyado. Nilista, inumentuhan, at nilayo sila sa quiet quitters. Sila lang mga inasahan sa kumpanya.
Samantala, may mga mabuti at masamang idinulot ang quiet quitting. Halimbawa ng mga ito:
l Walang kumprontasyon – sa tahimik na pag-alis, naiiwasan ang tension sa kumpanya.
l Nananatiling mabuti ang relasyon – sa tahimik na paglisan, nagiging propesyonal pa rin ang samahan.
l Imahe ng pagkakaibigan – sa pag-alis nang may dignidad, walang samaan ng loob.
l Magastos na gulo – naiiwasan ito ku’ng tahimik na umalis ang empleyado.
l Tsismis – hindi naipapaliwanag nang wasto ang pag-alis ng empleyado; nauuwi sa “marites”.
l Walang feedback mechanism – walang binibigay na mabuting payo sa kumpanya ang empleyadong biglang umalis.
l Sunog ang tulay – maaring hindi na bumalik ang quiet quitter.
l Maling payo – malimit itong sanhi ng quiet quitting.
- Latest