Hoodlum na pulitiko, maagang nandaya!

HALOS anim na buwan pa ang 2025 midterm elections subalit nagsimula nang maglabasan ang tunay na kulay ng mga desperadong pulitiko. Ultimo ang pagdiriwang ng Kapas­kuhan ay ginagamit nilang dahilan, para ngayon pa lang ay makapamili na sila nang boto at tiyakin ang kanilang panalo­. Sanamagan!

Sa madaling salita, kahit malayo pa ang araw ng halalan ay talagang hindi na sila makapaghintay para madaya ang ka­nilang mga kalaban. Sukdulang gamitin pa nilang dahilan­ ang pagdiriwang nang araw ng kapanganakan ng ating Pangi­noong Hesukristo.

Kaya ang hakbangin ng isang konsehal mula sa kilalang angkan sa Laguna na nais maging kongresista ay ginagamit ang hoodlum na pamamaraan. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Base sa mga video footage na kumakalat ngayon sa social media, kitang-kita ang lantaran at puwersahang paghahakot nila ng mga tao at pamimili ng boto mula sa iba’t ibang bayan sa kanilang distrito tulad ng Bay, Pakil at maging Cabuyao City.

Ang modus operandi ng grupo ng dorobong pulitikong ito, ayon sa mga kosa ko, ay isinasakay sa mga trak nila ang mga tao sa gabi at dinadala sa kanilang mga tagong bodega para bigyan kuno ng pamasko na isang sakong bigas at may P1K pa na cash. 

Pero sa totoo lang ay hindi naman nagiging mabait at namimigay ng pamasko ang kolokoy na ito, ayon sa mga kosa ko. Dahil bago makatanggap ng pabuya ang mga tao ay kailangang magpakita muna sila ng pruweba na mga rehis­trado silang botante sa kanilang distrito. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Hindi lang ‘yan, kinukuha din ang mga pangalan ng mga tumatanggap­ ng ayuda at isinasama sa listahan ng kani­lang mga botante, na may halong pananakot na babali­kan­ sila sa sandaling hindi nila iboto ang hoodlum na kandidato­. Dipugaaa!

Ang tanong: saan nanggagaling ang pera na ginagastos ng hoodlum na ito? Hindi kaya galing ito sa pangungurakot o di kaya naman ay sa illegal drugs dealers o illegal gambling operators na binibigyan nila ng proteksyon?

Kilalang notorious kasi ang angkan ng kumag na ito at walang sinasanto kundi ang kinang ng pera. Nag-iisip din ang ilang kosa ko na maaaring nanggaling din ang perang ginagastos niya sa isang maanomalyang bilyong loan na inaprubahan ng kanilang konseho kamakailan. Tsk tsk tsk! Hehehe! Babawiin din niya ang perang ito kapag nanalo ang hoodlum na kandidato, di ba mga kosa? Araguyyy!

Dapat ipursigi na ng Comelec ang pagsulong ng batas na ipagbawal na ang premature campaigning dahil na take advantage ito ng mga pulitiko. Kaya dapat ngayon pa lang ay tanggalin na rin ang pangil ng buwayang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang malalimang imbestigasyon kaugnay ng mga anomalyang ginagawa ng kandidatong pulpol na ito.

Paging PNP at NBI! Importante ang agarang pag-aksyon ng mga awtoridad bago pa maging huli ang lahat at mauwi ang darating na 2025 elections sa malawakang dayaan na maaaring magresulta sa madugong karahasan. Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

Show comments