^

PSN Opinyon

Anomalya sa TUPAD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANO na ang nangyari sa imbestigasyon sa maanomalyang pondo ng TUPAD noong panahon ng pandemya? Sa ngayon na halos lahat ng mga tongresista este kongresista ay bukambibig sa tuwing mamamahagi ng ayuda ang kanilang pag­susumikap na maiahon sa kahirapan ang kanilang mga constituent gamit ang programa ng pamahalaan sa mga naghihirap nating mga kababayan.

Noong 2009, inilunsad ng Department of Labor and Em­ployment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Dis­advantaged Wortkers (TUPAD). Isa itong emergency employment program na ang layunin ay matulungan ang mga mahihirap na walang trabaho, mga nawalan ng trabaho dahil sa kalamidad at iba pang kadahilanan.

Napakaganda ng layunin ng TUPAD para sa mga naghihikahos na kababayan at sa katunayan marami na itong natulungan, kasama na rito ang mga nasa informal sector o mga taong walang regular na trabaho, kargador sa palengke at iba pa. Sa ilalim ng programa, binigyan ng pansamantalang tra­baho sa loob ng 10 araw hanggang 30 araw ang isang kuwa­lipikadong benepisyaryo.

Ang kanilang arawang sweldo ay batay sa umiiral na minimum wage kung saan sila nagtatrabaho. Subalit, ang TUPAD, katulad ng ibang programa ng gobyerno, ay sinasalaula ng ilang gahamang pulitiko noong pandemya. Pumutok ang anomalyang ito noong 2021 sa Metro Manila kung saan  tatlong congressional district ng nasabing lungsod. Ito ang Districts 1, 2 at 5, dahilan para suspendihin ni dating Labor secretary Silvestre Bello III ang implementasyon ng TUPAD.

Tatlong kongresista ang ipinag-utos ng Ombudsman noon na imbestigahan. Batay sa mga ulat, hindi bababa sa P59 milyon o maaring hihigit pa ang nawawalang pondo sa implementasyon ng TUPAD. Ang malungkot ang pinagnakawan ay ang maliliit at mga naghihikahos sa buhay na mga mang­gagawa sa pamamagitan ng ghost beneficiaries at di pag­bi­bigay ng tamang pasuweldo.

Sa nasabing kadahilanan, ipinag-utos noon ni Ombuds­man Samuel Martirez ang isang “motu propio investigation­” laban kina Vargas at iba pang sangkot sa nasabing diu­mano’y talamak na nakawan at bulsahan ng milyun-milyong halaga ng pondo ng TUPAD. Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon bilang pagtalima sa panawagan ni Bello.

At lumabas sa imbestigasyon ng NBI may sapat na ebidensiya na magagamit sa isasampang patung-patong na mga kasong kriminal laban sa mga nabanggit na pulitiko at kasabwat nila. Kaya ang tanong ng madling pipol,  ano kaya ang nangyari sa imbestigasyon ng Ombudsman, NBI at ng DOLE-National Capital Region?

At ano kaya ang naging resulta ng isinagawang audit ng Commission on Audit (COA) hinggil sa nawawalang pondo ng TUPAD? Malapit na ang 2025 election, at maaring kasama sa mga tumatakbo at napapa-reelect ang mga mismong sangkot na pulitiko o di kaya’y ang kanilang kapatid o kamag-anakan.

Kapag nahalal silang muli, parang binigyan na rin natin sila ng permiso o bendisyon na ipagpatuloy ang kanilang mga maling gawain. Kaya ngayon pa lang, kilatisin nang maigi ang iluluklok sa puwesto sa 2025 midterm election. Abangan!

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with