Pagkaing mabuti sa puso

1. Oatmeal – Ang oatmeal ay nakapagpapababa ng kolesterol. Tinatanggal ng oatmeal ang mga bad cholesterol sa katawan at inilalabas ito.

2. Mani – Ang mani ay may sangkap na good fats, amino acids (arginine) at resveratrol. Ang mga ito ay nakapagpipigil sa pagbabara ng ugat sa puso. Huwag sosobra ng kain at baka tumaba.

3. Saging – Ang saging ay may potassium na kailangan sa pagtibok ng puso. Kapag kulang sa potassium, puwedeng magloko ang tibok ng puso.

4. Olive oil – Ayon sa Mayo Clinic, ang olive oil ay napaka­ganda sa puso. Kaya healthy ang Mediterranean diet na gumagamit ng lettuce, olive oil at mani.

5. Bawang – Nakapagpapababa ng kolesterol at blood pressure ang bawang. Ihalo ito sa pagkain. Huwag sunugin ang bawang at mawawala ang mabisang sangkap nitong allyl sulfides. Mag-ingat lang at medyo mahapdi ito sa sikmura.

6. Sibuyas – Ang sibuyas ay may quercetin na isang anti-oxi­dant. Kapag mas matapang ang amoy ng sibuyas, mas ma­rami ang quercetin nito. Tinatanggal ng sibuyas ang bad cholesterol ng katawan. Panlaban din sa kanser ang sibuyas.

7. Shiitake mushrooms – Ang espesyal na Japanese mushrooms na ito ay mabibili sa mga supermarkets. Ang shiitake mushrooms ay nakapagpapababa ng kolesterol at makatu­tulong din sa Hepatitis B at HIV-Aids. Masarap ihalo sa manok o tofu.

8. Tofu, tokwa at soya milk – Magandang alternatibo ang tofu kumpara sa karne. Ito ang ginagamit sa vege-meat. Mataas ang tofu sa protina at calcium para sa buto. At dahil wala itong kolesterol, napakaganda nito sa puso.

9. Red wine – Ang pag-inom ng kaunting red wine ay ma­buti sa puso. May sangkap na resveratrol (isang anti-oxidant) ang mga grapes na ginagamit sa red wine.

Show comments