^

PSN Opinyon

Maging solido kontra sa mapagkunwaring mga party-list!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUNG may isa man na dapat ipagpasalamat ang mga Pinoy, lalo na ang mga kabilang sa mga sektor na hindi ma­syadong naririnig o naipaparating ang kanilang mga boses sa pandayan ng mga batas, ito ay ang pagkakaroon ng sis­temang party-list.

Mula nang gumulong ang sistemang party-list, maraming grupong nabuo at ang bawat isa’y nagsasabing sila’y kuma­katawan sa mga sektor na hindi napapakinggan o di kaya’y napapabayaan ng gobyerno.

May mga party-list na makikitang nagtataguyod ng kaga­lingan ng kanilang sektor na kinakatawan at hindi naman matatawaran ang mga pinanday nilang mga batas na talaga namang maraming mga Pinoy, lalo na ang mga mahihirap ang nagbenipisyo.

Ngunit marami ring mga kinatawan ng mga party-list ang umupo lang sa kanilang mga puwesto at ni kailanma’y hindi napakinggan ang mga boses. Sila ang komite ng katahimikan. Araguyyyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Malapit na ang halalan. May mga umusbong na mga bagong party-list, gaya ng Solid North na batay sa kanyang pangalan ay nailuwal mula sa Norte. Hindi lang sa Ilocos Norte at Ilocos Sur kundi ang Rehiyon Kordilyera, buong Cagayan Valley, Pangasinan, at La Union.

‘Di pa man naihahalal, nakitaan na ang Solid North ng pag­mamalasakit, lalo na sa kasagsagan at pagkatapos ng pana­­nalasa ng tatlong nagdaang malalakas at mapamin­salang bagyo.

Walang pag-aatubiling nagpadala kaagad ang grupo ng tulong sa mga kababayang nasalanta, lalo na sa Cagayan Valley region. Kaya’t matunog ito sa mga survey na naka­kasi­gurong makakakuha ng kahit isang puwesto sa Kongreso. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memo­rize ‘yan?

Subalit may tinatawag na “recycled” party-list na ipinapangalandakang boses daw ng mga katutubo sa Norte? Na ito daw ang magbibigay boses sa mga katutubo upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, lalo na ansestral na lupain. Magandang pakinggan, di ba mga kosa? Pero sino ba ang kanilang mga kinatawan?

‘Yung isa ay tunay namang dugong katutubo, ngunit idineklarang Persona non Grata ng isang komunidad ng mga katutubo na Apayao. May mga katutubo rin sa mga ibang lugar sa Norte na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa noong siya ang namuno sa isang ahensiya ng pamahalaan na dapat sana’y magsilbi para sa mga katutubo. Ganern!

Ang isa pa sa kanilang nominado ay isang dating doktor na nakilala dahil sa kanyang kagaspangan sa panahong naluklok ng dating Presidenteng palamura. Ang babaeng ito ang isa sa mga taong nagbansag sa mga katutubong ipinaglalaban lang kanilang mga karapatan sa kanilang mga ansestral na lupain na mga kasapi daw ng rebeldeng grupo at sila daw ay mga terorista. Araguyyyyy!

Ang pangatlong nominado ay isang nag-aastang dati daw may mataas na katunkulan bilang rebeldeng komunista.   Subalit ang grupo na binanggit niya ay deny to death naman sa kanya.

At katulad din ng ikalawang nominado, wala naman siyang dugong katutubo at hindi naman siya nakipamuhay sa mga katutubo. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa Norte, pag nakakaranas ng masasamang pangyayari, nagsasagawa sila ng ritwal, panata o anuman para maalis o tumigil ang mga ito. Sa Ilokano, “Agaramid ka ti wagas tapno. Epanaw ti Malas”. Sal-it! Abangan!

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with