Paano lulunasan ang sore throat

Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusa ring nawawala sa loob ng lima hanggang pitong araw.

Subukan ang mga sumusunod:

1. Doblehin ang pag-inom ng likido gaya ng tubig, juice, tea at maligamgam na sabaw. Makatutulong ito para ­mapanatiling malabnaw ang plema at madaling ilabas. Iwasan ang kape at alak.

2. Magmumog ng tubig na may asin. Paghaluin ang kalahating kutsaritang asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at imumog. Makatutulong ito para guminhawa ang lalamunan at maalis ang plema.

3. Subukan ang lozenges o candy para sa sore throat.

4. Ipahinga ang boses. Kung naapektuhan ng sore throat ang iyong pagsasalita ay maaaring humantong sa iritasyon at pansamantalang pagkawala ng boses.

5. Ang pagdagdag sa moisture ng hangin ay makatutulong na maging basa ang sinus at mucous membrane. May humidifier na nabibili o pwede din ang steam inhalation.

6. Iwasan ang usok at polusyon. Ang usok ay nagpapa-irita sa sore throat. Itigil rin ang paninigarilyo.

Para maiwasan ang sore throat:

1. Madalas na maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol na panlinis ng kamay kung may sipon at trangkaso.

2. Iwasan ang paghawak sa ilong at bibig para maiwasan makakuha ng mikrobyo.

Kumunsulta agad sa doktor kung:

1. Hirap o masakit lumunok o huminga.

2. Paninigas ng leeg at sobrang pananakit ng ulo.

3. Mataas na lagnat.

4. Rashes.

5. Pauli-ulit na pamamalat o mouth ulcer.

Show comments