Makati police, hindi nagsoli ng P9.5-M na gamit ng negosyante!

Aabot sa P9.5 milyon pang alahas at mamahaling gamit ang hindi pa naisoli sa mag-live in na negosyante na ang bahay ay na-raid ng Makati police noong Setyembre 12. Ang missing items ay kasama sa dokumento na isinumite ng mga negosyanteng sina Phuong To Chau at Kaiyong Zhuo sa reklamo nila sa Ombudsman.

Nauna rito, nagsoli na ng P264 milyon na alahas, cash at mamahaling kagamitan ang mga tauhan ni Makati police chief Col. Joseph Talento sa mag-live in at nakalista rin ang mga ito sa reklamo na tinanggap ng Ombudsman noong November 11.

Hindi ko batid kung nagsumite na ng kanilang sagot sa Ombudsman ang tropa ni Talento na ayon sa aking mga kosa ay nagpunta sa shopping mall matapos ang raid. Araguyyy! Hindi ko sinabing namili sila mga kosa ha? Baka nagpalamig lang! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Sa kanilang reklamo sa Ombudsman, na-identify nina Phuong at Kaiyong ang missing items na sumusunod; men’s diamond ring full of stars (Piaget) na nagkakahalaga ng P1.38 milyon; Bulgari men’s ring with diamond, P1.1 milyon; Gold bracelet (28 grams) P230,000; white bracelet (4 leaf Clover Van Cleef and Arpels P320,000; Bulgari bracelet, P1 milyon; Cartier bracelet, P1.3 milyon, at Louis Vuitton jewelry box, P700,000.

May pahabol pa. Dior card holder, P50,000; Louis Vuitton wallet, P50,000; Apple 15 Pro Max, P100,000; Dior backpack. P200,000, Dior Messenger bag P150,000; DJI drone P300,000; platinum necklace, P200,000; Hermes belt, P150,000; Louis Vuitton belt, P100,000; Dior eyeglasses, P50,000; Prada wallet, P100,000; Chow Tai Fook gold necklace, P200,000; Dior shoes, P100,000; Buddha face gold red rope bracelet, P50,000; Chow Tai Fook diamond ring, P100,000 at how Tai Fook diamond ring, P100,000. Tsk-tsk-tsk! Ang dami ah!

Mamahalin talaga ang kagamitan nina Phuong at Kaiyong, ‘no mga kosa? Hindi lang ‘yan, saulado nila kung anu-ano ang kanilang gamit. Baka may nakalimutan pa silang ideklara? Sa tingin ko sa Ombudsman na sasabihin nina Phuong at Kaiyong kung ano ang source of income nila, di ba mga kosa? Mismooo!

Hindi biro ang kaso na isinampa ng magka-live in laban sa Makati police na tiyak hindi magugustuhan ni Mayor Abby Binay, na kumakapit sa pang-12 sa huling survey sa pagka-senador. Dipugaaa! Sana ‘wag malaglag sa No. 13 si Mam Abby, tulad ng dad niya na si Jojo Binay noong 2022 elections. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang ipinagtataka lang ng mga kosa ko, kabisado ng police raiders ang lahat ng sulok ng condo nina Phuong at Kaiyong. Halimbawa, alam nila kung anong klase ang baril na nasa ilalim ng kama sa magkabilang kuwarto, at maging kung saan nakalagay ang vault na binuksan nila kahit wala sa warrant. May insider ang Makati police kaya kampante sila? Ano pa nga ba? Sanamagan!

Kinasuhan din naman ng Makati police sina Phuong at Kaiyong dahil sa nakumpiskang mga baril at bala. Tututukan ko pa ito. Abangan!

Show comments