Maling paraan

Upang mapawalambisa ang pangalawang kasal dahil mali pala ang deklarasyon ng korte na ang unang asawa ay tinuturing na patay na, ano ang tamang remedyo ng unang asawa? Ang paggawa ba ng sinungaling na salaysay na ang unang asawa ay buhay pa pala ay sapat na? Ito ang sasagutin sa kaso ni Gina.

Dalawampu’t pitong taon nang kasal si Gina kay Dick nang umalis ang lalaki sa kanilang bahay at sumama sa ibang babae. Napag-alaman din niya na pinakasalan na pala ni Dick ang ibang babae at nagsampa na ito ng petisyon sa korte (RTC) na ideklarang wala at tinuturing na patay na si Gina, upang makapag-asawa muli, at ito ay nagsinungaling na pagkaraan silang ikasal, tumira sila sa San Juan City pero lumipat sa Tarlac City at nagnegosyo.

Ayon kay Dick noon ang negosyo niya ay nalugi. Kinumbinsi ni Gina si Dick na payagang siyang magtrabaho sa Hong Kong bilang isang alila o katulong. Hindi agad siya pinayagan, ngunit dahil sa pilit ni Gina,pinayagan na siya.

Kaya pagkaraan ng 15 taon, wala na siyang balita kay Gina kahit na tinawagan niya ang mga magulang nito at ibang kamag-anak at kaibigan. Ngunit hindi rin nila alam kung nasaan na si Gina, kaya pagkaraan pa ng 12 taon nagsampa ng petisyon si Gina.

Nalaman din ni Gina na hindi nalathala sa diyaryo ang petisyon ni Dick at ginawad na ng RTC na siya ay tinuturing na namatay na. Kaya nag-asawa na uli si Dick makaraan ang tatlong buwan mula nang magdesisyon ang RTC.

Nang nalaman ni Gina ang petisyon ni Dick ay ginawad na ng RTC pagkalipas nang higit isang taon at hindi na puwedeng umapila o magpetisyon.

Kaya nagsampa na siya ng petisyon sa Court of Appeals na pawalambisa ang desisyon ng RTC dahil sa wala itong hurisdiksyon at may pandaraya na sinabi niya na hindi siya tumira sa Tarlac at hindi umalis sa bahay nila sa Quezon City at nagtrabaho sa ibang bansa.

Si Dick talaga ang nag-iwan sa kanya at kanyang mga anak para makasama ang ibang babae. Naalisan din siya ng karapatang madinig sa korte noong makisama si Dick sa ibang babae kahit sila ay naninirahan sa Quezon City.

Ngunit hindi ginawad ng CA ang kanyang petisyon dahil hindi daw ito ang tama. Dapat daw ay gumawa na lang siya ng sinumpaang salaysay sa civil registry na nagsasaad ng kanyang pagpapakita muli. Tama ba ang CA?

Mali. Dapat talaga na nagsampa siya ng petisyon na madeklarang wala nang bisa ang muling pagkasal ni Dick. Kailangang nag-file siya ng petisyon upang pawalang bisa ang desisyon dahil sa pandaraya. Meron pandaraya o “fraud” kung ang partido sa kaso ay kumikilos upang magkaroon ng totoong desisyon sa kaso o pagpresenta ng kanyang kaso.

Ang mga deklarasyon ni Gina sa kanyang petisyon na pawalambisa ang desisyon ay sapat nang patunay nang pandaraya, kaya hindi sapat ang mag-file lang ng sinumpaang salaysay ng kanyang pagbabalik, matatapos lang ang sunod na kasal at hindi ang mga epekto ng deklarasyon ng pagkamatay at ang sumunod na kasal.

Ayon sa Article 42 ng Family Code ang susunod na kasal ay may bisa hanggang ito ay tapusin at ang mga anak ay tinuturing na lehitimo at ang relasyon nila sa mga ari-arian ay tulad ng balidong kasal. Kung tatapusin ito sa pamamagitan lang ng sinumpaang salaysay ng pagbabalik, ang mga anak ay tinuturing pa ring lehitimo. Bukod dito ang desisyon magdedeklara lang ng pagpatay ng asawa kung di isang depensa sa prosekyusyon sa kasong bigamya (Santos vs. Santos, G.R 187061, October 8, 2014).

Show comments