^

PSN Opinyon

Ma-impeached kaya si VP Sara?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MULA nang magsalita si Vice President Sara Duterte noong nakaraang linggo na may kinausap na siyang papatay kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez sakali’t siya ay patayin, may mangilan-ngilang tao na nagtipon sa EDSA Shrine bilang pagbibigay ng suporta.

Sabi ni Sara sa presscon at naka-live sa Facebook: “’Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez­. No joke. No joke. Nagbilin na ako, Ma’am. Pag namatay­ ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila.”

Nadagdagan naman ng konti ang tao nang magsalita si dating President Rodrigo Duterte sinabi nitong tanging military raw ang makapagtatama sa pamumuno ni Marcos na tinawag pa niyang “drug addict”.  “Nobody can correct Marcos, nobody can correct Romualdez… It is only the mili­tary who can correct it,” sabi ni Duterte.

Hanggang ngayon may mangilan-ngilan pang tao sa EDSA Shrine. Pero nalaman ko na may nagbayad daw sa mga tao para pumunta roon. At nalaman ko rin na P500 ang bayad pero P300 na lang ang napunta sa tao.

Dahil sa mga pananalita ni Sara, inimbitahan siya ng NBI kahapon pero hindi siya dumating. Napag-alaman ko rin na pati si dating President Duterte ay ipatatawag din ng NBI. Sabi naman ni President Marcos Jr. kahapon hindi dapat i-impeached ng mga mambabatas si Sara.

* * *

Samantala, maraming baho ang nakalkal nang gilingin ng quad committee si Mark Taguba, dating broker na nahatulan ng life sentence dahil sa pagpapasok ng droga sa Bureau of Customs.

Sabi ni Taguba kay Batangas Rep. Jinky Luistro, naka­pagpalabas siya ng 100 containers sa Port of Manila sa pamamagitan ng pag-areglo na pinamumudmod niyang P170,000 kada container.

Sabi ni Taguba siya lamang ang nagdurusa sa loob ng kulungan habang ang mga tinukoy niyang empleado ng Customs ay na-promote pa.

Sa tingin ko, makakahanap ng kakampi si Taguba sa mga kongresista upang ang apila niya sa korte ay magkaroon ng linaw.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with