Ang Marikina, na dating ipinagmamalaki ang husay at ganda, ngayon ay baon sa utang. Noong 2023, umabot na sa P3.60 bilyon—oo, bilyon, hindi milyon—ang utang ng lungsod. Higit pa rito, dalawang taon ng deficit ang Marikina: P415.4 milyon na deficit noong 2022, kasunod ng P379 milyon noong 2021.
Sa buong Metro Manila, tanging ang Marikina lang ang may naitalang deficit. Hindi biro ang bigat ng utang na ito sa bawat Marikeño. Ang per capita debt ng lungsod ay P7,896.89, mas mataas pa sa P7,229.86 ng Maynila. Sa lahat ng lungsod sa National Capital Region, Marikina ang may red flag indicators: P3.6-B na utang, P415-M na deficit, at mababang revenue growth. Aruyyy!
Ano ang ibig sabihin ng lahat ng utang na ito? Simple lang. Tao ang dehado. Dahil sa malaking utang, mataas ang debt servicing o porsiyento na kailangang ibayad ng city government sa utang kasama ang principal at interes.
Ibig sabihin, pabawas nang pabawas ang perang dapat sana ay para sa edukason, medikal, ayuda, suporta sa magsasapatos, at flood control projects. Wala nang sapat na pondo para sa flood control. Katulad ng kapag nangutang ka sa bangko, nauubos na ang budget sa interes.
Ganito ba ang gusto nating kalakaran? Bayaran ang utang habang ang mga taga-Marikina ang nagsa-suffer? Kung ganito ang sistema, hindi lungsod ng sapatos ang Marikina kundi lungsod ng utang. Araguyyy! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Wala namang milagro. Kailangan ang namumuno ay may talino at siguro, dapat ekonomista katulad ni PGMA. Sa Marikina, dalawa ang nag-aagawan sa pagka-mayor: si Rep. Stella Quimbo at si Rep. Maan Teodoro. Pero sino kaya ang mag-aahon sa Marikina na nalulunod sa baha at utang?
Kung ganito kalaki ang utang ng Marikina, kailangan natin ng ekspertong kayang bumalanse ng budget at siguraduhing ang bawat sentimo ay may direksyon. Hindi pwedeng puro drama, dapat may gawa.
Si Stella, ay kilalang ekonomista. Hindi siya basta pangalan lang. Siya ang utak sa likod ng mga batas, tulad ng Trabaho Para sa Bayan Act, na tumulong sa ekonomiya ng bansa. Alam niya ang galawan ng pera—kung paano ito patatakbuhin at gagamitin nang tama. Summa cum laude sa UP, dating propesor sa ekonomiya, may master’s degree at PhD pa. Sanamagan! Hehehe!
Sa kasalukuyan, si Quimbo ay nagsisilbing Senior Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations, isang posisyong nagbibigay-daan sa kanya upang maimpluwensyahan ang pambansang budget.
Si Teacher Stella rin ang naging pangunahing may-akda ng mahahalagang batas, tulad ng Tatak Pinoy Act, Trabaho Para sa Bayan Act, at Public Health Emergency Benefits for Healthcare Workers Act. Ang kanyang tagumpay sa pagsulong ng mga batas na ito ay nagpapatunay sa kanyang kakayahan na magbigay ng mga solusyon sa mga isyu ng ekonomiya at lipunan.
Sa kalagayan ngayon ng Marikina, kailangan nito ng ekonomista, hindi yung puro kuwento. Sabi nga sa prinsipyo ng budgeting, ang bawat kuwenta ay dapat may kuwento. Dipugaaa! Hehehe! Anong sey mo kosang Jojo Pinga? Abangan!