^

PSN Opinyon

Alamin ang asukal sa pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang taglay na asukal ng ilang pangkaraniwang pagkain. Magagamit itong gabay lalo ang mga may diabetes.

1. Raisins 42.5 g ng Sunmaid Raisins (1/2 cup) = 7 1/2 kutsaritang asukal (120 calories). Mas mababa sa asukal ang strawberries kumpara sa ubas, mangga at dried fruits gaya ng raisins.

2. Walong baby carrots o half cup (85 g) = 1 kutsaritang asukal (30 calories).

3. Isang (1) malaking orange = 5 1/2 kutsaritang asukal (132 calories). Kapag mas matamis at mas hinog, mas maraming sugar. Piliin ang mga prutas na bagong hinog lang. Huwag piliin ang mga overripe na prutas.

4. Three-fourth cup plain cereals = 1 kutsaritang asukal (120 calories). Pero ang three-fourth cup ng frosted cereals = 3 kutsaritang asukal (120 calories).

5. Isang (1) regular na mais = 1 1/2 kutsaritang asukal.

6. Isang (1) ensaymada na may butter = 8 kutsaritang asukal at 5 kutsaritang butter.

Kung nagpapapayat, piliin na lang ang pandesal o monay.

7. Isang (1) scoop ng regular ice cream = 5 1/2 kutsaritang asukal (240 calories). Pero ang isang (1) cup unsweetened 6 oz yogurt = 3 1/2 kutsaritang asukal (100 calories). Mas masustansiya ang yogurt kaysa sa ice cream.

8. Isang (1) coffee drink with whip cream (16 oz grande) = 12 kutsaritang asukal (380 calories). Pagdating sa mga inumin na may whip cream, ice cream at tsokolate, sadyang mataas iyan sa asukal. Pero, okay lang naman kung ika’y payat at gusto mong magpataba. Ngunit kung ika’y diabetic at gus­tong pumayat, piliin ang mga pagkaing mababa sa asukal.

Mas healthy ang asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kumpara sa white sugar. Maging maingat sa mga nakatagong asukal sa ating pagkain.

DIABETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with