Bakit may eye bags?
Bakit nagkakaroon ng eye bags at dark circles sa ilalim ng mata.
Nagkakaroon ng mga ito kapag sobra ang pagpupuyat, paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.
Dahil sa mga ito, nababawasan ang laman sa ilalim ng mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang mata.
Narito ang gagawin para mabawasan ang eye bags at dark circles:
1. Matulog ng 7-8 oras bawat gabi.
2. Kung hindi makatulog, humiga lang at ipikit ang mga mata.
3. Magpalamig ng ilang hiwa ng pipino. Ilagay ang pipino sa yelo o refrigerator. Ipikit ang mata at ipatong sa ibabaw ng mata ng 15 minuto. Palitan ang pipino kapag hindi na ito malamig.
4. Puwede ring gumamit ng tea bags. Ilubog ang dalawang tea bags sa maligamgam na tubig. Pagkatapos ay palamigin ito sa refrigerator. Ipatong ang tea bags sa mata ng 15 minuto. Ang sangkap na tannin sa tea ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangingitim ng mata.
5. Kung nagmamadali, kumuha ng yelo o pinalamig na kutsara at ipatong ito sa eye bags. Gawin ito ng ilang minuto lang habang malamig pa ang kutsara.
6. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Para hindi dehydrated ang katawan.
7. Umiwas sa nakaka-allergy na pagkain. Mamamaga ang mata kapag may allergy.
8. Iwasang ma-stress.
9. Huwag sumimangot.
10. Panatilihin na laging maging masaya para mabawasan ang eye bags.
- Latest