^

PSN Opinyon

Sina lolo at lola, malusog at masigla!

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Sina lolo at lola, malusog at masigla!
As part of the Filipino Elderly Week celebration, the Center for Health Dev’t. – Department of Health - Region 1, in partnership with the Currimao LGU, conducted house-to-house pneumococcal vaccinations for seniors in Brgy. Sta. Cruz and Salugan.

Alam nating lahat na habang tayo'y tumatanda, humihina rin ang ating resistensya -- ngunit para sa mga lolo at lola natin na may non-communicable diseases (NCDs) tulad ng diabetes, hypertension, at sakit sa puso, kailangan nila ng mas matinding pag-iingat para mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Kapag may NCDs na, mas madali na silang dapuan ng influenza at pneumonia. Kaya naman, mahalagang maihatid sa ating seniors ang wastong bakuna at proactive healthcare interventions.

Nakasama natin sa Regional Health Connect Forum, Ilocos Norte sina (L-R, top row): Dr. Augusto Salalima (Phil. Heart Association), Atty. Germaine Leonin (United Senior Citizens Partylist), Dr. Christina Ignacio-Alberto (Phil. Foundation for Vaccination); (L-R, bottom row): Dr. Justin Gubatan (Department of Health, Region I) at si Mr. Teodoro Padilla (Exec. Director, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Phil.)

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week nitong Oktubre, nagkaroon tayo ng pagkakataong maging moderator ng Ilocos Norte Health Connect forum sa pangunguna ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines o PHAP. Nagtipon-tipon dito ang mga lider at eksperto ng iba't ibang sektor para pag-usapan ang kasalukuyang lagay at mga hamon na hinaharap ng mga senior pagdating sa usapin ng kalusugan. 

Ang layunin ng forum, ayon kay PHAP Executive Director Teodoro Padilla, ay "masiguro ang mataas na kalidad ng buhay ng seniors sa kanilang golden years." Isang malaking hamon ito, partikular na sa mga nasa probinsya o bayan.

Hindi sapat ang lunas lamang. Dapat ay sinisiguro rin natin na protektado mula sa preventable diseases ang ating mga lolo at lola. Isa sa mga pinakamabisang paraan para magawa ito ay ang pagbabakuna.

Binigyan-diin ni Dr. Justin Clyde Gubatan, ang Non-communicable Diseases Unit Head ng Department of Health (DOH) Center for Health Development sa Region I na kailangan natin ng "dual approach" pagdating sa pangangalaga ng ating seniors  -- ang pagbabantay laban sa NCDs, habang pinalalakas ang depensa laban sa mga malalang sakit bago pa man ito dumapo.

Iba't ibang ahensya, tulung-tulong sa usapang kalusugan

Hindi matatawaran ang halaga ng health education. Kung maaga nating mabibigyan ng proteksyon ang ating mga lolo at lola, kasama na ang mga regular check-up at mas mainam na lifestyle choices, sure tayo na safe and healthy sila sa pagtanda.

Ibinahagi sa forum ni Dr. Augusto Niccolo Salalima, miyembro ng Council of Preventive Cardiology ng Philippine Heart Association ang mga benepisyo ng health education para sa mga matatanda. Ilan sa mga puntong binanggit niya ang: "nakakatulong ito sa kanilang kalusugan, kaalaman, proteksyon sa chronic diseases, at pag-iwas sa malaking gastos.”

Bukod pa rito, iba't ibang health and lifestyle guides din ang ipinakita sa atin ng doktor, tulad ng Pinggang Pinoy at Filipino Pyramid Activity Guide ng Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), at mga praktikal na paalala tulad ng "Life's Essential 8" ng American Heart Association.

nihatid ng Department of Health (DOH) Ilocos Region ang “PuroKalusugan” sa Ilocos Norte.

Nakasama rin natin si Dr. Medeldorf Gaoat, Senior Board Member at Chair of the Committee on Health ng Provincial Government ng Ilocos Norte, na nagbigay ng report tungkol sa mga insiyatibo tulad ng kanilang "Capitol Express" at iba pa na malaking tulong sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga lolo at lola nating nasa malalayong ibayo ng probinsya.

Ayon sa Commission on Population, pagdating ng 2030 hanggang 2035 ay 14% na ng ating populasyon ang senior citizens. Mula sa datos na ito, masasabi nating ngayon pa lamang ay napakahalaga nang makabuo ng batas para mas maingatan pa natin ang kapakanan ng mga matatanda. Naniniwala akong isyu ito na kailangan ng atensyon nating lahat, dahil sa huli, tatanda rin tayong lahat, 'di ba?

Masaya akong ibalita na ito mismo ang tinututukan ng isang grupo sa kongreso. Nakasama natin sa forum si Atty. Germaine Trittle Leonin, bilang kinatawan ni Congresswoman Milagros Magsaysay ng United Senior Citizens Party-list.  Sabi niya, isa sa mga nangunguna sa agenda ng grupo ang House Bill No. 7305 na magpapatayo ng Philippine Geriatric Hospital. Nariyan din ang HB 6309, para mabigyan ng universal social pension sina lolo at lola kaakibat ng mas mataas na mga diskwento sa mga gamot at iba pang bilihin.

Sa paggunita ng Filipino Elderly Week, naghatid ang Public Health Office ng Ilocos Norte ng libreng pneumococcal polysaccharide vaccine sa seniors.

Sama-sama nating ingatan sina lolo at lola

Bukod sa mga insyatibong ito, tuloy din ang pagsisikap na maibalik ang mga Barangay Botika, at iba pang mga programa na nais mabigyang-pansin maging ang mental health ng mga senior citizen. 

Sa pagharap natin sa 'di maiiwasang demographic shift kung saan mas dadami ang senior citizens sa ating komunidad, nararapat na tandaan nating responsibilidad nating ingatan ang kanilang kapakanan.

Ipinaalala sa atin ni Dr. Maria Cristina Ignacio-Alberto of the Philippine Foundation for Vaccination na ang "healthy aging ay nangangailangan ng multi-sectoral approach."   Mula sa mga batas, hanggang sa mga health program at awareness campaigns, lahat ay may kakayahang maibsan ang bigat ng NCDs at makapaghikayat ng pagbabakuna. 

Sabi rin ni Mr. Teodoro ng PHAP, "lahat tayo ay may utang na loob sa ating mga nanay, tulad ko, at sigurado akong lahat ay ganito rin ang pagmamahal sa kanilang tumatandang mga magulang, miyembro ng pamilya, at kaibigan. Oras na para alagaan natin sila at ang kanilang kalusugan." 

Hatid ng "PuroKalusugan" ng DOH Region I: bakuna at iba pang immunization, libreng gamot, at pagsasagawa ng Philippine Package of Essential Non-Communicable (PhilPEN) health risk assessments para sa mga seniors.

Hatid ng "PuroKalusugan" ng DOH Region I: bakuna at iba pang immunization, libreng gamot, at pagsasagawa ng Philippine Package of Essential Non-Communicable (PhilPEN) health risk assessments para sa mga seniors.

Sa ating mga nakasama at bumubuo ng Ilocos Norte Health Connect ng PHAP, maraming salamat po, at ang aking mainit na pagbati sa tagumpay ng programang ito. Sa pagpupugay natin sa ating mga lolo at lola, huwag lang natin alalahanin ang kanilang mga kontribusyon sa ating lipunan. Sama-sama rin natin silang ingatan, ang kanilang kalusugan, dignidad, at kapakanan. Tandaan, ang pangangalaga natin sa mga matatanda ng ating komunidad ay sumasalalamin sa kung ano tayo bilang isang bansa. 

------ 
I-follow ang aking social media accounts JingCastaneda InstagramFacebookYouTubeTiktok and Twitter. Ipadala ang inyong mga kuwento at suhestiyon sa [email protected].

HEALTH

WELLNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with