Condo ng POGO officials, nilimas ng Makati police!

RUMESBAK ang top officials ng POGO at sinampahan ng sangkaterbang kaso sa Ombudsman si Makati City police chief Col. Joseph Talento at kanyang mga tauhan. Tsk tsk tsk! Pogo na naman?

Ni-raid ng mga tauhan ni Talento ang bahay ng complai­nants na sina Phuong To Chau, Kaiyong Zhuo, Li Shusong, at Zhang Xiao Bo na matatagpuan sa Unit 8A, Two Roxas Triangle, Cruzada St., corner Paseo de Roxas, Barangay Urdaneta.

Ang search warrant na ginamit ng mga tauhan ni Talento ay para sa baril subalit nilimas ng raiders ang gamit ng mga complainants tulad ng pitsa, relos, alahas at iba pang mamahaling kagamitan. Araguyyy! Palagi na lang nasa receiving end ang kapulisan kapag raid sa POGO ang pag-uusapan, ‘no mga kosa?

Ang raid ay nangyari noong Oktubre, sa panahon pa ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, na sa ngayon ay Deputy Chief for Administration o No. 2 man ng PNP.

Sa pagkaalam ng mga kosa ko, ipinagbawal ni Nartatez ang raid sa POGO noong panahon n’ya ah. Anyare? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nagtagumpay naman ang raid ng tropa ni Talento dahil nakumpiska nila sa guest room na inuukupa nina Shusong at Bo ang isang M16 rifle at CZ Scorpion, mga magazine at bala. Sa kuwarto naman ng mag-live-in na sina Phuong at Kaiyong nakumpiska ang isang Taurus 9mm pistol, magazines at bala.

Natuklasan pa ng Makati police na si Kaiyong ay may standing arrest warrant sa korte sa Parañaque City sa kasong reckless imprudence resulting in damage to pro­perty with multiple slight physical injury at ang bail ay P120,000.

Inamin naman ng raiders na sa ilalim ng plain view doctrine, tinangay nila ang mamahaling gamit ng mga complainant at properly inventoried ito sa harap ng mga testigo.

Teka, teka, binuksan din ng raiders ang black security vault sa master’s bedroom kung saan ang valuable na gamit ni Kaiyong ay kinumpiska at naka-inventory din. Sanamagan! Kinasuhan ang apat sa city prosecutor’s office. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Iba naman ang bersiyon ng apat at kinasuhan sina Talento at iba pa ng robbery and robbery extortion, attempted intentional abortion, qualified bribery, grave misconduct, dishonesty, conduct unbecoming of a police officer, at conduct prejudicial to the best interest of the service sa Ombudsman.

Kung bakit nakasama ang attempted intentional abortion ay dahil si Phuong pala ay buntis. Sa kanyang salaysay, sinabi ni Phuong na may pulis na hinawakan siya sa leeg at inginudngod ang ulo niya sa sahig kahit naka yupyop na.

Umabot si Phuong sa ganung posisyon ng aabot sa 40 minuto kaya sumakit ang tiyan niya. Ilang beses siyang pabalik-balik sa ospital kung saan hanggang sa ngayon ay naka-confine pa siya na may bantay na pulis. Ang tatlo namang akusado ay nakakulong pa. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang mga complainant ay hindi marunong mag-English o mag-Tagalog kaya hilo sila sa dinanas sa kamay ng mga bataan ni Talento na nadamay lang sa aspeto ng command responsibility. Sa reklamo nila sa Ombudsman, nilista ng mga complainants ang naibalik na mamahaling gamit at mga missing pa. Abangan!

Show comments