^

PSN Opinyon

EDITORYAL - POGO hubs, gawing evacuation centers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - POGO hubs, gawing evacuation centers

Mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa taun-taon at pawang mapaminsala ang mga ito. Maraming bahay ang nawawasak at may mga tinatangay ng baha. Maraming bahay na nasa paanan ng bundok ang nababaon dahil sa pagguho ng lupa na may kasa­mang bato.

Bukod sa pananalasa ng mga bagyo, pumuputok­ din ang mga bulkan kaya kailangang lumikas ang mga tao. Forced evacuations ang isinasagawa upang walang mamatay.

Malalaking baha na dulot ng bagyo ang isa rin sa mga dahilan kaya inililikas ang mga tao. Hindi lamang ang mga nakatira sa tabing dagat at ilog ang ini-evacuate kundi pati na rin ang mga nasa mabababang lugar na karaniwang binabagsakan ng tubig. Maraming lugar ngayon na hindi binabaha noon ang nagmimistulang dagat at ang mga tao ay nag-aakyatan sa bubong ng kanilang bahay para hindi malunod.

Ang malaking problema ngayon ay ang pagdadalhan sa mga tao na apektado ng kalamidad partikular na ang bagyo. Ngayong Nobyembre, nagkapatung-patong ang mga bagyo. Hindi pa nakakalabas ang isa, mayroon na agad kasunod at iisa ang landas na dinaanan. Ilang beses nang binayo ang Bicol Region at Northern Luzon at maraming tao ang ini-evacuate sa mga eskuwelahan at gymnasium. Nagsiksikan sila sa mga eskuwelahan na parang sardinas. Kawawa ang mga bata at matatanda.

Tuwing mananalasa ang bagyo, problema ang pag­dadalhan sa mga apektadong tao. Hanggang ngayon, walang desenteng evacuation centers. Laging sa public schools humahantong kaya apektado rin ang pag-aaral ng mga estudyante. Kung gaano katagal ang pananalasa ng bagyo, ganundin katagal ang pananatili ng evacuees sa mga eskuwelahan.

Noon pa, may mga suhestiyon na ang mga sinalakay na POGO hubs ang gawing evacuation centers. Marami nang POGO hubs ang sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at bakit daw hindi ito ang gawing evacuation centers. Mainam na evacuation centers ang POGO hubs sapagkat malaki, konkreto at kumpleto sa gamit. Hindi magsisiksikan at maghahawahan sa sakit ang mga tao.

Payo ni Bayan Muna party-list Neri Colmenares, gamitin ang mga ni-raid na POGO hubs na pansamantalang evacuation sites. Mas mabuti raw mapakinabangan ang POGO hubs na evacuation centers lalo sa ganitong panahon na may mga bagyo.

Magandang ideya ito at nararapat subukan. Kaysa naman nakatiwangwang ang POGO hubs, bakit hindi pakinabangan. Tutal naman at tuluyan nang mawa­wala ang mga salot na POGO sa bansa, hayaang paki­nabangan ng evacuees.

BAGYO

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with