Hindi humuhupang baha sa Naga City, source ng sakit!
Hindi pa nga nakabangon ang mga residente ng Naga City sa delubyong inabot nila sa bagyong Kristine, nababadyang papasok pa sa Pinas ang dalawang bagyong Ofel at Pepito. Nakahinga na nga sila nang maluwag nang hindi sila inabot ng sindak ng bagyong Nika kaya lang sa forecast ng PAGASA, ang bagyong Pepito ay may malaking posibilidad na tumama sa Bicol region. Huwag sana!
Kaya sa ngayon, nanginginig ang tuhod sa nerbiyos ng mga residente ng Naga City dahil malaki ang posibilidad na daranasin na naman nila ang hanggang bubong na pagbaha kapag malakas na ulan ang magiging dala ng bagyong Pepito. Mismooo!
Nakatingin silang lahat kay 3rd termer Mayor Nelson Legacion kung anong sistema ang ipaiiral niya para maiwasan ang baha na sumira sa kanilang kabuhayan at mga tahanan.
Sinabi ng mga kosa ko na mukhang ang pinagkakaabalahan ni Legacion ay ang kampanya n’ya bilang kinatawan ng pangatlong distrito ng Camarines Sur. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Halos 30 porsiyento ng Naga City, ang pinakamalaking siyudad ng Camarines Sur, ang nilubog ng baha ng hagupitin ng bagyong Kristine ang Bicol Region. Kung sabagay, sa buong Bicol Region may 14 katao ang namatay samantalang aabot sa 400,000 katao ang apektado at kasalukuyan ay nasa evacuation centers pa.
Ang masaklap hanggang sa ngayon, may ilang lugar pa sa Naga ang lubog pa sa baha at ang nakaimbak na tubig ay umaalingasaw ang baho. Hindi lang ‘yan, maging ang hospital waste ay sumanib pa sa tubig baha matapos masira ang trash facility sa Bgy. San Isidro. Tsk tsk tsk!
Magdadala ng sakit na leptospirosis at skin diseases tulad ng alipunga ang maruming tubig. Dapat iwasan din ng mga bata ang lumangoy dito dahil aabutin sila ng sakit na diarrhea. Nakupooo!
Ang patama pa ng mga residente kay Legacion ay mabagal itong kumilos kaya marami pa sa kanila ang nasa evacuation centers. Mismooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang bagyong Kristine ay tumama sa Bicol ilang linggo na ang nakararaan subalit hanggang sa ngayon hindi pa bumubuti ang kalagayan ng mga evacuees.
Paano nga ba naman, ang evacuation centers na kinaroroonan nila, na pinondohan ng Pagcor ng P50 milyon ay mukhang mababa ang kalidad kaya ang mga pader ay nag-crack na, sira ang pintuan, madulas ang tiles at may tumatagas na tubig. Sanamagan!
Maging ang Jesse Robredo Coliseum na ginagamit ding evacuation center hindi rin maayos ang hitsura kahit may sapat na pondo na nakalaan. Purbidang Yawaahhh!
Ang pinakamatindi sa lahat, ayon sa mga kosa ko, ang mga proyektong pampaganda ng drainage system at paglalagay ng bakod sa binabahang lugar tulad ng Bgy. Sto. Niño, at Bgy. Concepcion Grande ay hindi pa tapos.
Nakakatulong sana ang mga proyektong ito sa pag-kontrol ng baha, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!
Ang catch pa nga kosa, may naiwan pang utang sa LGU sa halagang P25,557,382.92, ayon sa datus. Dipugaaa! Ano ba ‘yan? Sa Naga nga, hindi maganda ang pagpatakbo ni Legacion, sa District 3 pa kaya? Abangan!
- Latest