Daming pakinabang sa lemon at calamansi
1. Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso.
2. Dahil mayaman sa Vitamin C, isa itong anti-oxidant na nagbibigay proteksyon sa selula at nakatutulong para makaiwas sa sipon, lagnat at problema sa gilagid.
3. Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.
4. Hindi pa tiyak pero baka makakatulong sa pagpapayat ang lemon dahil binabawasan nito ang ganang kumain. Kapag uminom ka ng lemon water ay mas busog ka. Kaya konti na lang ang makakain.
5. Dahil umiinom ka ng mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng bato sa bato (kidney stones).
6. Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkakagawa ng lemon water, puwede makasama sa may ulcer at makasira ng ngipin.
7. Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litrong tubig. Tamang-tama ito.
- Latest