^

PSN Opinyon

Pagsibak kay Casio hindi sapat

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Matigas ang paninindigan ko laban sa illegal POGO. Pero ang pag-raid ng mga awtoridad sa mga ilegal na establisimento ay dapat nasa ayos at alinsunod sa rules on engagement.

Napaulat na nag-public apology at sinipa na sa tungkulin ang hepe ng Presidential Anti-Organized Crimen Commision na si Winston Casio dahil sa pananampal at pagmumura sa isang POGO employee sa isang raid sa Bataan Freeport. Saan mang anggulo tingnan, brutalidad ito ng isang tagapagpatupad ng batas.

Una nang sinertipikahan ng Bataan Freeport Zone na isang legal na outsourcing company ang tinatawag na POGO hub ng PAOCC.

Kaya ngayon ay humihingi ng bayad pinsala mula sa PAOCC ang may 1,600 employees dahil sa maling sistema ng raid na nakaapekto sa kanilang moral at kabuhayan.

Ayon sa ilang mga apektadong kawani, sila ay tinutukan ng baril at puwersahang pinataas ang kamay at tinratong ordinaryong kriminal. Hindi man ako abogado, posibleng may malaking pananagutan ang PAOCC team na pinamumunuan ni Casio.

Kayo man ang lumugar sa katayuan ng mga empleyado, masisindak tiyak kayo kung biglang may papasok na armado at pagbubulyawan kayo.

Kung may sakit sa puso, posibleng himatayin pa ito sa ganoong sitwasyon. “Bigla kami tinutukan ng baril at pinataas ang kamay namin,” anang isang babaing kawani.

Tinanggal pa umano ng mga operatiba ang CCTV ­cameras para walang ebidensya ng pangyayari. Binawalan din ang mga kawani na i-record sa kanilang cell phone ang pangyayari.

Itinuro nila si Casio na pinakamataas sa raiding team. Pinilit umano sila ni Casio na amining ilegal ang kanilang operasyon. Ang payo ko sa mga empleyado ay maghain na lang ng demanda laban kay Casio.

“Si Winston Casio po nagmumura at nanduduro. ­Sasampalin daw po niya kapag hindi raw po kami nagsalita at kakasuhan,” anang isang kawani. Nais din ng kaliwanagan ng mga empleyado tungkol sa kanilang kompanya na batay sa paglilinaw ng Bataan Freeport Zone ay isang Business Proceed Outsourcing Company. Pero ito ay itinuturing na POGO hub ng PAOCC.

“Sana lumabas din ang katotohanan,” anang isang kawani.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with