Kulang sa katibayan
ANG ating Saligang Batas mismo ang nagsabing may karapatan ang mga batang wala pang 12-anyos na bigyan ng espesyal na proteksyon laban sa lahat ng klaseng kapabayaan abuso, karahasan, paggagamit at iba pang sitwasyon na laban sa kanilang pag-unlad. Kaya pag ang isang bata na wala pang 12-anyos ay nilapastangan na ang kapurihan (sexually violated) ang krimeng naganap ay panggagahasa na kahit kusa siyang pumayag o kaya alam na alam niya ang gumagawa. Ngunit dito sa kaso ni Bella ang batas na ito ay hindi binigyang pansin.
Si Bella ay batang kalye. Siya ay tumakas sa kanyang lola dahil sa kahirapan. Isang gabi, isang dayuhan, si Gerry, ang nakursunadahan si Bella at kaibigan nitong si Alice, 11-anyos. Si Alice ang una niyang biktima at pagkaraan ay si Bella naman. Dinala sila ni Gerry sa kanyang kuwarto sa hotel. Tinangka ni Gerry na gahasain si Alice ngunit hindi maipasok ang ari dahil hindi kasya. Pagkaraan ay si Bella naman ang pinaghubad at tinangkang gahasain din pero hindi kasya ang kanyang ari.
Kinabukasan, binayaran niya si Bella ng P300 at P200 naman kay Alice. Pag-alis ni Gerry sinabi ni Bella kay Alice na nagpasok si Gerry ng bagay sa kanyang ari-arian, bagama’t sa susunod na araw ay sinabi ni Bella kay Alice, na nailabas na ang bagay na pinasok.
Pagkaraan ay nagpatuloy ang dalawa na umistambay sa kalye. Matapos ang pitong buwan, dinala si Bella sa ospital ng isang basurero na kanyang tagapag-alaga na nakita siyang duguan walang malay at mabaho.
Nang magkamalay sinabi ni Bella sa doctor ang kanyang sakit sa tiyan. Napag-alaman ng doctor na pinasok sa kanyang ari ang isang sexual vibrator. Matapos alisin ang vibrator lumala pa ang kondisyon ni Bella hanggang siya ay namatay.
Kaya inakusahan si Gerry ng panggagahasa kay Bella at pagpatay dito na namatay dahil sa pinasok niyang vibrator. Sa paglilitis, tinangkang patunayan ng taga-usig ang edad ni Bella sa pamamagitan ng testimonya ng kanyang lola at tatay na parehong nagsabing si Bella ay wala pang 12-anyos.
Ipinakita rin ang record ng ospital at ang death certificate ni Bella na wala pa siyang 12-anyos. Tinuring ng mababang hukuman na ito ay sapat na upang patunayan ang edad ni Bella. Si Gerry ay sinentensiyahan ng rape with homicide dahil sa pagpasok ng vibrator. Kaya sinentensiyahan siya na may sala ng rape at homicide. Tama ba ang mababang hukuman?
Mali, sabi ng Supreme Court (SC). Sinabi ng SC na ang patunay sa edad ni Bella ay di sapat dahil hindi ipinakita na siya ay wala pang 12-anyos noong siya ay ginahasa at dahil sa pumayag siya rito. Walang panggagahasang naganap ayon sa SC.
Kaya ipinasya ng SC na ang mga sirkumtansiya, testimonya, at dokumento ay nagbigay ng impresyon na si Bella ay isang prostitute. Hindi rin napatunayan na si Gerry ang may sala ng pagpatay. Ang pagpasok ni Gerry ng ibrator ay maaring pinayagan ni Bella.
Kaya ang pagkumpirma ng kanyang pagkakawala na base lang sa suspetsa at posibilidad ay hindi sapat na patunay upang gamitin laban kay Gerry. Ito ay dapat gamitin pabor sa isang criminal (Pp.vs Ritter 194 SCRA 690).
- Latest