^

PSN Opinyon

Mga prutas at gulay na kapaki-pakinabang

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Pinya – Ang pinya ay may sangkap na bromelain, na makatutulong sa pagtunaw ng pagkain at makababawas sa pamamaga sa ugat. Mayaman ito sa vitamin C, manganese at vitamin B na nagbibigay ng lakas.

2. Orange, lemon, dalandan at kalamansi – Ang mga prutas na ito, na kung tawagin ay citrus fruits, ay punumpuno ng vitamin C. Makatutulong ang vitamin C sa mga may sipon, hika, osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Pinalalakas nito ang immune system ng katawan. May taglay din itong folate at potassium. Ang folate ay nagpapababa ng isang masamang kemikal sa katawan (homocysteine) at makatutulong sa may sakit sa puso.

3. Papaya – Ang papaya ay may beta-carotene at vitamin C. Dahil dito, may benepisyo ito sa balat at immune system. Ang papaya ay may taglay na papain, isang enzyme na tumutulong sa pagtunaw ng ating kinain. Para sa mga taong nagtitibi, ang papaya ay nagpapalambot ng dumi.

4. Karots – Ang karots ay makatutulong sa paningin, balat at panlaban din sa kanser dahil sa taglay nitong Vitamin A, C at E. Ayon sa ilang pagsusuri, ang karots ay ma­kababawas sa tsansang magkaroon ng kanser. Nagpapasigla rin ito ng balat at nababawasan ang wrinkles. Nakakapayat din ito dahil 35 calories lang ang kalahating tasa ng karots.

5. Kamote – Ang kamote ay mayaman sa starch, fiber, beta-carotene, folate, potassium at vitamin B6, C at E. Napa­kasustansya nito at mabilis makabusog. Ayon sa pag-aaral, ang kamote ay maaring makapigil sa pagkakaroon ng lung cancer sa mga taong naninigarilyo.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with