Bumagsak ng 62 percent ang crime rate ng bansa sa unang dalawang taon ni President Bongbong Marcos Jr., at malaki ang kontribusyon ni Benhur Abalos dito na naging DILG secretary mula Hulyo 2022 hanggang magbitiw siya sa puwesto noong Oktubre para tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Pagbabago 2025. Wow!
Sa pinakabagong ulat ng Philippine National Police, mula 217,830 na krimen noong 2016-2018, bumaba ito sa 83,059 sa pagitan ng Hulyo 2022 at Hulyo 2024—isang patunay ng matagumpay na kampanya kontra kriminalidad. Sa ilalim ng liderato ni Abalos, na 15 taon naglingkod bilang mayor ng Mandaluyong, hindi lang basta may nagbago kundi lumakas pa ang mga pulis, at bumilis ang aksyon, kaya’t bumaba ang bilang ng krimen!
Tumaas ng 27 percent ang crime clearance efficiency at ng 10 percent ang crime solution efficiency rate. Bonggaaa! Anong sey n’yo mga kosa?
Kaya ang tawag d’yan ay Kilos Abalos dahil mabilis kumilos! At hindi lang ‘yan, sa laban kontra droga, humataw si Abalos kung saan mahigit 92,899 anti-drug operations ang naisagawa sa dalawang taon ng kanyang panunungkulan at may 116,000 drug personalities ang nahuli, kasama rito ang 11,284 high-profile drug suspects!
Isipin n’yo na lang na ganito katindi ang kampanya ni Abalos sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaligtasan para sa bawat Pinoy. Mismooo. Sa panahon din ni Abalos nalambat ang record-high na illegal drugs na nagkakahalaga ng P33.8 billion. Ito ang pinakamalaking nakumpiska sa history ng sinumang naupong presidente at ‘yan ay nagawa sa ilalim ng termino ni BBM at sa pangunguna ni Abalos. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nakamit din ng Pinas ang pangatlong puwesto bilang pinakapayapang bansa sa Southeast Asia noong 2023, ayon sa survey ng Gallup Law and Order Index. Kasunod ng Pinas ang Vietnam at Indonesia, at pang-33 sa buong mundo! Ayon pa sa 2024 No. survey, ang Pinas ay nasa ika-85 na ranggo mula sa 146 na bansa pagdating sa crime index.
Bagamat panglima tayo sa Timog-Silangang Asya na may 43.0 crime index, malayo na ito kumpara sa mga bansa tulad ng Cambodia (52.3), Myanmar (50.9), at Malaysia (49.4). Ang pagkakahanay ng Pilipinas sa mga mas ligtas na bansa tulad ng Thailand (37.8), Brunei (29.1), at Singapore (23.0) ay patunay na may direksyon ang kampanya ni Abalos sa pagpapaigting ng peace and order! Sanamagan!
Noong 2023, pang-anim tayo sa may pinakamababang crime index sa Southeast Asia, sunod sa Vietnam at Thailand. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Mahalaga na maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis at sa kanilang kakayahang sugpuin ang krimen. Malaki ang nagawa ni Abalos para makamit ito. Sa bawat kanto, sa bawat barangay, dama ng mga mamamayan ang resulta ng kanyang serbisyo.
Masasabi kong kawalan si Abalos sa Gabinete ni BBM. Pero kung makakatulong siya sa pagpasa ng batas na magpapalakas sa rule of law sa bansa, iyon ang kailangan ng Pinas. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!