Mga kandidatong political dynasts alisin kaya ng Comelec

(Huli sa 2 bahagi)

DAPAT umaksiyon agad ang Comelec sa usaping Kons­ti­­tus­yon, anang Alyansa ng Nagkaka-Isang Mamamayan (ANIM).

Kasi constitutional commission ito. Dapat daw diskuwalipikahin sina Rody Duterte, Matthew Marcos-Manotoc at Peter Cua.

Malinaw ang Konstitusyon, anang ANIM. Sabi sa Artikulo X, Seksyon 8, “Ang taning na panahon ng panunungkulan ng mga halal na pinunong lokal… ay dapat na tat­long taon at hindi makapanunungkulan ang sino mang gayong pinuno nang mahigit sa tatlong magkakasunod na taning….”

Dagdag ng Artikulo VI, Seksyon 7, “Hindi dapat manungkulan ang sino mang Kagawad ng Kapulungan ng mga Kina­tawan nang higit sa tatlong magkakasunod na taning ….”

Sa talakayan ng 1986 Constitutional Commission, iginiit na hindi dapat ipamigay ang puwesto sa miyembro ng pa­milya. Saad ‘yan nina commissioners Jose Nolledo, Blas Ople, Jose Suarez, Christian Monsod at Hilario Davide.

Self-executory naman ang Konstitusyon, anang Korte Suprema. Sa anumang usapin, sinusunod dapat ang letra at laman nito.

Saad ‘yan sa Tolentino vs Comelec, 2004; Manila Prince Hotel vs GSIS, 1997; at Tondo Medical Center Employees Association vs Court of Appeals, 2007.

Ang nagsampa ng petisyon ay sina Bishops Colin Bagaforo at Gerardo Alminaza, Atty. Alex Lacson, at mga retiradong heneral Reynaldo Reyes, Wilfredo Franco, Noel Delos Reyes, Col. Guillermo Cunanan, at Capt. Roberto Yap.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

Show comments