^

PSN Opinyon

Operations vs Century Peak Tower, tuloy lang!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SISIMULAN na ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng PNP na rebisahin ang mga computers mula 10th floor pataas sa 40-storey Century Peak Tower, na tinagurian nilang “Mother of all Scam hubs.”

Armado ng search warrant, kikilatisin ng ACG operatives ang mga naka-live na computers dahil malakas ang sus­petsa nila na ginagamit ito sa online scams, illegal gambling, at human trafficking. “Puro nakabukas na computer ang ma­ki­kita dun. Wala na ang mga tao dahil nag-alisan na,” ayon sa police investigator.

Samantala, nagsagawa naman ng inspection ang mga bataan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa 28th floor hanggang 40th floor, na ginagawang residence o dormi­tory ng mga top officials ng POGO. Araguyyy! Pinagku­kunan ng litrato ng mga inspectors ang bawat room at ma­aring malaki ang role nito para ipag-utos ni Mayora Honey na ipasara na ang mga POGO hubs. Mismooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Bilang ama naman ng kapulisan, idinepensa ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang joint ACG-NCRPO teams na nagsagawa ng raid sa building na matatagpuan sa Adriatico St., Malate, Manila. Pinuri ni Marbil si ACG director Brig. Gen. Ronnie Cariaga, na kasama ang National Bureau of Investigation, ay magsasagawa ng dismantling operations laban sa POGO sa susunod na dalawang buwan.

“This operation is a testament to the dedication of our PNP-ACG personnel, whose relentless pursuit of justice has exposed and disrupted a significant hub of criminal activity linked to online scams, illegal gambling, and human trafficking,” ani Marbil. Hanggang kahapon, tahimik pa rin sa isyu ang may-ari ng building na si Willy Keng o maging ang property custodian n’ya. Dipugaaa! Hehehe! Tsika, tsika lang! Go, go, go!

Ang joint ACG-NCRPO operation ay naging kontrober­siyal matapos idistansiya ng ilang ahensiya ng gobyerno ang trabaho. Subalit tumanggap ito nang malakas na su­porta ni Mayora Honey, na ikinatuwa naman nina Marbil at NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia. “The operation received strong support from Manila Mayor Honey Lacuna, who expressed her appreciation for the PNP’s success and praised their unwavering commitment to public safety and the rule of law,” ani Marbil.

“Mayor Lacuna acknowledged the PNP’s swift and decisive action as a vital step in safeguarding Manila’s commu­nities from illegal activities linked to cybercrime, human trafficking, and other forms of exploitation,” dagdag pa ni Marbil.

Mariing tinanggap ni Marbil ang malakas na suporta ni Mayora Honey, lalo na ang kautusan nito na ipasara ang POGO-related na negsoyo sa siyudad. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Iginiit ni Marbil na ang operation sa Century Peak Tower ay base sa validated intelligence na umano’y ginagamit ang building bilang central hub of iba’t ibang POGO operations, taguan ng daan-daang katao, kasama na ang 69 banyaga, na sangkot sa illegal na aktibidades.

Aniya, hindi lang ang ACG at NCPRO ang sangkot sa operations kundi maging ang iba’t-ibang PNP units kung saan ginamit ang makabagong sistema sa pakikibaka vs kriminalidad. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with