^

PSN Opinyon

Mga pagkain na nagpapalakas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-eeher­sisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pag­tibok ng puso at paggalaw ng masels.

2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang asukal sa dugo.

3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.

4. Chocolate bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong asukal, gatas at cocoa. Ma­ituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka tumaba.

5. Pakwan – Ang pakwan ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92 percent alkaline water na ma­buti sa katawan. Punong-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.

6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suwero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpa­palakas at nakabubusog din.

7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong choline na kailangan ng utak. Limitahan lang ang pagkain ng isa o dalawang itlog sa maghapon.

8. Nilagang mani – Ang mani ay punumpuno rin ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustan­siya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.

Paalala: Kumain ng mas madalas pero katamtaman lamang. Ito’y para makakuha tayo ng tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya mula sa pagkain. Sa umaga, kumain din ng masustan­syang almusal para may lakas. Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga nabanggit dahil puwedeng tumaba. Tandaan na kapag may­roon tayong kinain, sasabayan ng ehersisyo para matunaw ito.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with