Apat na garden angels...MARANGAL ELEM SCHOOL, GULAYAN SA PAARALAN

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang Gulayan sa Paaralan na may apat na estudyante na palagiang nakabantay sa kanilang magagandang tanim, kaya naman binansagan silang “garden angels.”

Ang aking tinutukoy ay ang Marangal Elementary School sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Si Sir Glenn Ford San Diego, Teacher 1 ang  siyang caretaker o tagapamahala ng nakapagandang garden ng nasabing paaralan.

Kumpleto ang mode of farming na ginagawa ni Sir Glenn sa Marangal Elementary School, may aquaponics, hydroponics at convention farming.

Nag-champion na sa search ng Gulayan sa Paaralan ng Department of Education (DepEd) ang Marangal Elementary School sa buong Bulacan.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa Marangal Elementary School ay di-natnan namin ang apat na estudyanteng babae na nagbubunot ng damo sa garden.

Ang apat ay tinawag na Sir Glenn na “garden angels” na palagian niyang kasama sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.

Masipag at matiyaga si Sir Glenn sa paghahalaman. Walang sinasayang na espasyo sa loob ng paaralan lahat ay kanilang tinaniman ng iba’t ibang uri ng gulay.

“Majority sa harvest namin dito ay siyang ginagamit na-ming pang-feeding program sa aming mga mag-aaral na kulang sa timbang, payat at kulang sa nutrisyon,” pahayag ni Sir Glenn.

Mayroon mahigit sa 3,000 ang student population sa Marangal Elementary School at karamihan sa mga ito ay natuturuan ni Sir Glenn  sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay.

Maging sa pasilyo ng paaralan ay luntuan at maraming tanim na gulay, tulad ng upo, kamatis, sitaw,  sili,  petchay, mustasa at iba pa.

Mga bumabaging na gulay ang siya ring nagsisilbing lilim sa mga mag-aaral sa matinding sikat ng araw.

Natural at organic farming ang pamamaraan ng pagtatanim ni Sir Glenn dahil gumagawa ito ng kanyang sariling “concoction” para magamit na pataba at insecticide sa kanilang mga tanim tulad ng fermented fruit juice, fish amino acid, compost at iba pa.

Bukod sa mga estudyante at kapwa guro at marami ring magulang ang nagpapaturo ng pagtatanim kay Sir Glenn.

Sadyang nagpupunla ng marami si Sir Glenn para ang mga sobra sa kanilang pagtatanim ay kanyang ipinamimigay sa iba.

Iniimbitahan ni Sir Glenn ang lahat, lalo na ang mga kapwa guro sa buong bansa, mga kabataang estudyante,  magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kaniyang ginagawa.

Ngayong Linggo, November 10, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay teacher Glenn Ford San Diego sa kanilang garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments