NAGTAGUMPAY sina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles at kanyang partner na si Davao Oriental Second District Rep. Cheeno Miguel Almario na panatilihing pribado ang kanilang pag-iisang dibdib noong nakaraang linggo.
Sa pagkaalam ko, ninong si President Ferdinand Marcos Jr. sa kasal ng dalawang magsing-irog.
Natatawa nga ako dahil sa mga group chat, pinagdedebatehan pa kung saang simbahan daw ba talaga ikinasal sina Migs at Cheeno.
Tinatanong sa group chat kung ginanap daw ba rito sa Davao City o sa Maynila ang kasal ng dalawa.
Hay, buhay! Huwag nang pakialaman sina Migs at Cheeno. Wala na kayong pakialam sa kanilang pag-iisang dibdib!
Basta ang sigurado, si Migs ay tatakbong first district representative ng Davao City.
Ang makakalaban niya ay si incumbent first district representative Paolo Duterte na tumatakbong reelectionist sa May 2025 elections.
Si Cheeno naman ay magpapare-elect din sa darating na election.
Ang kanyang ama naman na si Mario ay tatakbong mayor ng Mati City laban kay incumbent Mayor Michelle Rabat.