^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Digong dapat dumalo rin sa quad committee

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Digong dapat dumalo rin sa quad committee

Walong oras sumalang si dating President Rod­rigo Duterte sa pagdinig ng Senado noong Lunes at ayaw pa niyang tumigil sa pagsasalita dahil marami pa raw siyang isisiwalat ukol sa ipinatupad niyang kampanya sa war on drugs noon. Marami siyang sinabi sa Senado at inamin niyang may “Davao Death Squad” talaga. Pito raw ang miyembro na binubuo ng mga gangsters at mayayaman pero kumambiyo siya at sina­bing mga pulis ang miyembro ng DDS. Pero huwag daw kasuhan ang mga pulis dahil kawawa naman. Siya na lang daw ang ikulong. Inaako raw niya lahat ang responsibilidad.

Ang mga pag-amin ni Duterte ang nag-udyok sa House quad committee na pinamumunuan ni quad comm chairman Robert Ace Barbers na imbitahang muli si Duterte. Sabi ni Barbers, kung nagawa ng dating Presidente na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon noong Oktubre 28, maaari rin nitong magawa sa quad committee. Ayon kay Barbers, magpapadala muli sila ng imbitasyon kay Duterte sa gagawing pagdinig sa Nobyembre 7.

Sabi naman ni quad comm co-chairman Benny Abante na malakas naman ang pangangatawan ng dating Presidente kaya wala na itong maidadahilan na hindi dumalo. Nang unang imbitahan ng quad comm si Duterte, sinabi nitong masama ang karamdaman kaya hindi makakadalo sa hearing.

Unang pinadalhan ng imbitasyon ng quad comm si Duterte noong Oktubre 18 upang magpaliwanag sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito. Kabilang na ang extra-judicial killings at ang re­ward system na binulgar ni dating police colonel at PCSO General Manager Royina Garma. Ayon kay Garma, tinawagan siya ni Duterte at pinapunta sa bahay nito at nagpahanap ng taong gagawa ng plano na tulad sa “Davao model”.

Ayon pa kay Garma, ang reward sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect ay mula P20,000 hanggang P1 milyon. Sabi naman ni Duterte, walang reward system. Itinanggi rin ni Sen. Bato dela Rosa ang reward system.

Una nang sinabi ni Duterte na handa siyang dumalo sa quad comm hearing basta maayos lang ang pagtatanong sa kanya. Sabi pa ni Duterte, hindi siya aatras kung iimbitahan siya.

Patunayan ito ng dating Presidente sa pagdalo sa hearing ng quad comm. Ipakita niya na kayang ha­rapin at sagutin ang mga inaakusa sa kanya. Kung nagawa niyang magsalita ng walong oras sa Senado, ganito rin ang gawin niya sa House quad committee. Dito niya isiwalat ang lahat. Mas matagal ang kanyang pagsasalita, mas maganda.

ROD­RIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with