Army unit na tumutulong sa binaha sa Bicol, inambus ng NPA!
Wala talaga sa hulog itong mga kapatid nating New People’s Army. Imbes na tumulong sa mga Bicolano na sinalanta ng bagyong Kristine, puro pakikibaka pa ang nasa isipan nila.
Iniulat kasi ng opisyales ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na habang tumutulong ang mga sundalo sa mga binaha dahil sa bagyo, nakuha pa ng mga NPA na magsagawa ng ambus sa Bgy. Matanglad, Pio Duran, Albay. Ano ba ‘yan?
Siyempre, lumaban ang mga sundalo at nagkaroon ng 15-minute firefight. Mabuti na lang at hindi nalagasan ang Army units maliban sa isang nasugatan na kaliwang paa dahil natapakan nito ang isang anti-personnel mine. Di ba ipinagbawal na ang paggamit ng APM ng International Humanitarian Law. Dipugaaa! Binigyang lunas naman kaagad ang sugatang sundalo. Mismooo!
Inamin ng taga-9th ID na naantala ang kanilang rescue at ayuda operations sa pangambang maulit ang pananambang ng aabot sa 10 NPAs. Ipinagpatuloy ng Army soldiers ang kanilang mission na suportahan at serbisyuhan ang mga apektado o binahang lugar sa Albay, kabilang na ang nasa kabundukan ng Pio Duran.
Hinikayat din nila ang mga komunidad na i-report kaagad ang presensiya ng mga armadong grupo para mabigyan atensiyon ito sa madaling panahon. Tsk tsk tsk! Gustong makaganti ng taga-9th ID ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang ang Pio Duran ang hinagupit ng bagyong Kristine sa Bicol, kundi maging sa kalapit na lugar nito kung saan nasira ang mga kalsada at maging ang mga tulay. Maraming lugar sa Bicol ang hindi pa humuhupa ang baha, na halos umabot na sa bubong ng mga bahay. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Mukhang hindi naman nakarating sa kaalaman ni Pio Duran Mayor Alan Arandia ang nangyaring ambus o engkuwentro. Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Arandia na tuluy-tuloy lang ang serbisyong pamimigay ng relief goods sa mga apektadong residente sa nasasakupan n’ya.
“Huwag kayong matakot sa pagbibigay ng ayuda sa bayan namin dahil safe kayo rito,” ayon kay Arandia. May mga nagkomento pa nga sa post ni Arandia na “fake news” ang ambus. Dipugaaa!
Mukhang hindi “on top of the situation” si Arandia sa bayan niya ah? Hindi naman siguro gawa-gawa lang ang report ng 9th ID dahil kapag napatunayan na “fake news” ito, lagot sila kay AFP chief Gen. Romeo Brawner, di ba mga kosa?
Baka naman ayaw lang ni Arandia na i-antagonize ang mga rebeldeng NPA dahil malapit na ang kampanyahan para sa 2025 midterm elections. Baka singilin si Arandia ng mahal ng NPAs ng “permit to campaign” pag nagkataon. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Inamin naman ni Konsi Gina Peralta na maraming lugar sa Pio Duran ang binaha kaya maging siya ay namigay rin ng ayudang pagkain sa mga apektado ni Kristine. Abayyyy, ibalik sa konseho si Konsi Elorde. Ayos ba Boss Clifford? Abangan!
- Latest