Dadalo ba sa hearing si Digong o hindi?

Maraming nag-aabang kung sisipot ba si dating President Rodrigo Duterte sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee sa Miyerkules (Oktubre 30).

Ang hearing ay may kaugnayan sa extra-judicial ­killings (EJKs) noong kapanahunan ng administrasyong Duterte.

Ang imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay pinadala ni Senator Aquilino Pimentel III.

Si Pimentel ang mamumuno sa Blue Ribbon na mag-iimbestiga sa EJKs at reward system sa PNP. Una nang sinabi ni Sen. Bato dela Rosa na siya ang mamumuno sa pag-iimbestiga pero marami ang tumutol dahil “self serving”.

Ang unang tumutol ay si Senate President Chiz Escudero. Kaya napagkasunduan na ang Senate Blue Ribbon ang magsasagawa.

Hinihiling naman ng Senado kay Duterte na magpakita o dumalo ito sa nasabing pagdinig.

Hindi naman kaila sa lahat na hindi sinipot ni Duterte ang imbitasyon ng House quad committee ukol pa rin sa EJKs noong Lunes.

Sinabi ni Duterte na hindi maganda ang kanyang pakiramdam ng araw na iyon.

Kagagaling lang daw niya sa biyahe sa Maynila kung saan marami siyang mga okasyong dinaluhan.

Kaya sa darating na Miyerkules ang tanong ay kung dadalo ba sa pagdinig ng Senado si Duterte o hindi?

Abangan.

Show comments