1. Kumain ng isda tulad ng tamban, dilis, sardinas, bangus, tuna at salmon – Ito ay mapagkukunan ng mataas na kalidad na protina. May healthy fat na omega-3 fatty acids at iba pang mga nutrients. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng isda ay may mas mababang panganib kabilang ang sakit sa puso, dementia at depression.
2. Limitahan ang pag-inom ng matatamis – Ang matatamis na inumin ay posibleng magresulta ng pagiging mataba, pagkakaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso. Kahit ang mga fruit juices sa bote ay hindi gaanong healthy dahil naglalaman nang maraming asukal.
3. Masustansya ang mani – Ang mani ay puno ng magnesium, vitamin E, fiber at iba pang nutrients na maaari makatulong sa pagbawas ng timbang at panlaban sa sakit. May ilang katibayan din na maaaring magpalakas ng metabolismo. Piliin ang mani na walang mantika at konti lang ang asin. Hanggang 1 ounce o isang dakot lang ang kainin.
4. Iwasan ang junk food at processed foods – Kumain ng sariwang pagkain. Ang processed foods ay karaniwang mababa sa fiber, protina at micronutrients at mataas sa asukal. Kaya, halos wala itong sustansya.
5. Alagaan ang tiyan sa pamamagitan ng pagkain ng mataas sa fiber at mga probiotics – Ang bacteria sa tiyan ay nauugnay sa mga malulubhang sakit. Para mapabuti ang tiyan, kumain ng mga probiotic na pagkain tulad ng yogurt at sauerkraut, at pag-inom ng probiotic supplement. Ang mga gulay at mataas sa fiber na mabuti sa tiyan.
6. Uminom ng sapat na dami ng tubig, lalo na bago kumain – Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng 2 tasang tubig (500 ml) kada 30 minuto bago kumain ay nakababawas ng timbang.
7. Limitahan ang mga pagkaing mamantika at refined carbs tulad ng kanin at tinapay. Posibleng maging sanhi ito ng diabetes.
8. Kumain nang maraming herbs at spices – Ang luya, bawang, sibuyas at turmeric ay maraming benepisyo sa katawan.