Minsan, dahil sa dami ng ating mga araw-araw na gawain, nakalilimutan na nating bigyan ng atensyon ang ating sarili. Bilang isang media professional sa larangan ng traditional media at social media, super busy ng aking schedule, kaya’t hindi ko na nasusundan ang sarili kong self-care routine.
Patuloy na dumarami ang tulad nating naniniwala sa kahalagahan nito, na hindi lamang isang luxury ang self-care, kundi ito ay isang mahalagang pangangailangan.
Sa mga nagdaang taon ay sumisiskat na rin sa social media ang konsepto ng "self-care," at hindi ito nananatili sa isang age group lamang. Mula kay lolo at lola, hanggang sa ating mga teenager na anak, importante ang pagbibigay atensyon sa ating mga sarili. Mahalagang aspeto ito ng pangangalaga sa ating katawan at isipan. Nakakapawi ng stress at nakakaiwas sa "burnout" o pagkapagod at kawalan ng interes at motibasyon sa ating mga gawain.
Kahalagahan ng proactive self-care
Marami ring mga kababaihang tulad ko ang nakahahanap ng self-care sa mga dermatological o aesthetic treatments. Hindi lamang ito pagpapaganda o beauty routine, dahil totoong nakaka-recharge at nakatataas ito ng confidence level.
Ito ang kinumpirma sa akin ng kaibigan kong si Dr. Anna Marie Montesa, ang Managing Director at Chief Dermatologist ng Montesa Medical Group.
Ayon kay Dr. Anna, napansin rin nila na tuwing holiday season ay mas dumarami pa ang naghahanap ng kanilang mga treatment. Sabagay, ang binibigay na confidence at energy ng dermatology at aesthetic procedure ay maaaring isa na sa mga pinakamagandang regalo natin sa ating sarili.
"Look good, feel good," ika nga nila. Kapag may kumpyansa tayo sa ating sarili, lumalabas ito sa ating performance sa trabaho, at pati na rin sa pakikitungo natin sa ibang tao.
Modernong treatments mula sa derma experts
Ibinahagi sa atin ni Dr. Anna ang ilan sa mga pinakatinatangkilik na treatments sa mga clinic ng Montesa Medical Group, gaya ng kanilang Skin Boosters with Exosomes na nagpapaganda ng texture at elasticity ng ating balat, at nagbabalik ng youthful at radiant glow dahil sa pagpapabuti nito ng cell regeneration at hydration.
Isa pang treatment na katulad nito ang Glow White Exosome with Bionutrients na para naman sa mga naghahanap ng brighter skin tone, habang binabawasan ang pigmentation at pinoprotektahan ang balat mula sa oxidative stress.
Ang mga dermal fillers, na may dagdag na biostimulators sa Montesa, ay nagreresulta sa mas natural at refreshed na dating, ayon kay Dr. Anna. "Pinakikinis nito ang mga wrinkles o pagkulubot ng balat, pinasisigla ang collagen production, at mas lumalabas ang facial contours mo.”
In-demand din ang kanilang scar removal treatment na gumagamit ng advanced laser technology para sa mga peklat o hyperpigmentation. Maaari rin itong gamitin para sa mas makinis at mas even-toned na balat.
Pagpupugay sa tagumpay ng ating mga kapwa babae
Katulad nating mga babae na may bagong mga yugto at milestones sa buhay, may panibagong kabanata rin ang Montesa Medical Group. Kamakailan ay nakipag-partner sina Dr. Anna sa sikat na Manila Hotel para maihatid ang expert care sa isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Maynila.
Proud at natutuwa ako sa bagong tagumpay na ito ng Montesa Medical Group, lalo na’t tulad ng ibang mga aesthetic clinic ay malaking hamon din ang kanilang hinarap noong pandemya. Congratulations kay Dra. Anna at sa kanyang masipag at magaling na team!!
Nakaka-inspire ang kanilang dedikasyon sa mga kliyente, at pagiging tulay para sa isang fulfilling na self-care and wellness experience.
Bilang isang advocate para sa women's empowerment, nagpupugay ako sa kanilang talento, sipag, at hangarin na mabigyan ang mga kababaihan ng sapat na kumpyansa para maging komportable sa kanilang angking ganda.
Sa gitna ng ating patuloy na pagsisikap para sa ating pamilya, sa ating karera, o maging sa ating mga komunidad, mahalaga na mabigyan pa rin natin ng panahon ang ating sarili.
Para sa akin, ilan sa mga pinakamahalagang aral na gusto kong matutunan ng aking mga anak ay ito: alagaan ang katawan, pagyamanin ang isipan, at palaging magtiwala sa sariling kakayahan.
Congratulations and more power, Dr. Anna at sa Montesa Medical Group!
------
I-follow ang aking social media accounts JingCastaneda Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok and Twitter. Ipadala ang inyong mga kuwento at suhestiyon sa editorial@jingcastaneda.ph.