1. Kapag mabilis ang tibok ng puso – Puwedeng maysakit sa puso kaya ipinapayo ko na magpatingin sa doktor. Puwede rin na dahil sa pag-inom ng kape o kaya’y slimming pills.
2. Kapag sumasakit ang dibdib – Magpasuri para masiguro na wala kang sakit sa puso. Nalulungkot ka ba at may sama ng loob. Nanggaling ka ba sa pag-iyak kaya naninikip ang dibdib. Magdasal para mabawasan ang stress sa buhay.
3. Tips para alagaan ang puso – Kumain ng sapat na gulay at prutas. Mag-ehersisyo ng regular. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Magbawas sa stress. At magmahal ng tapat. Ang pagiging “in-love” ay nagpapalakas sa ating puso.
4. Ang normal na pagtibok ng puso ay 60-90 bawat minute – Bumibilis ang tibok ng puso kapag kinakabahan, nagagalit o “in-love”. Kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay, puwedeng bumilis ang tibok ng puso. Subukang mag-deep breathing. Huminga nang malalim at mabagal para ma-relax at bumagal ang tibok ng puso.
5. Pagod na ba ang iyong puso – Ang heart failure ay isang sakit kung saan humihina ang tibok ng puso. May pagmamanas at pagod ang sintomas nito. Mag-relax, huwag magalit o maging emosyonal. Bawasan ang alat sa mga kinakain. Kumunsulta sa doktor para magamot ang heart failure.
6. Pumili ng makakasama sa buhay – Ang isa sa pinakamahalagang desisyon mo ay ang pagpili ng makakasama sa buhay. Pumili ng taong tapat at mabait sa iyo. Gamitin ang iyong isipan at puso rin.