^

PSN Opinyon

PBEd, suportado ang ARAL

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

IKINATUWA ng advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd) ang pagsasabatas ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) bilang tugon ng gobyerno sa matagal nang panawagan para sa agarang mga programa para palakasin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Pinas.

Naniniwala ang PBEd na ang bagong batas ay magiging­ daan sa pagpapatupad ng programang tutulong sa pang­kalusugan, nutrition, emosyonal, kalusugan ng isip at huhu­bog sa pangkabuuan ng batang mag-aaral. Inaasahan din na makakatulong ang batas sa mga guro upang tugunan ang krisis ng edukasyon sa Pinas. Eh di wow!

Naturalmente, sabi nga ng PBEd, ang ikapagtatagum­pay ng naturang batas ay dedepende sa maayos na pagpa­patupad nito. Hehehe! Dapat pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya ipinapangako ng PBEd na hihikayatin nila ang pribadong sector upang suportahan ang pagpapatupad ng ARAL. “This will not only address immediate learning gaps but also lay the groundwork for long-term improvements in the nation’s educational outcomes, ultimately contributing to human capital development and a stronger, more competitive workforce,” anang PBEd. Ano pa nga ba?

Kamakailan, nagpahayag din ng suporta ang PBEd sa mga panukalang batas ng Senado na pagbubutihin ang licensure process para sa mga guro. Ayon kay PBEd Exe­cutive Director Justine Raagas mahalaga ang reporma sa licensure process upang resolba ang kalunus-lunos na kalagayan ng edukasyon sa Pinas.

“If we want our students to do better, we need better teachers with enough experience and knowledge in their subject areas,” sabi pa ni Raagas. “The current teacher licen­sure process does not adequately reflect the diverse qua­li­fications and experiences of educators, limiting the potential for high-quality instruction,” ang dugtong pa ni Raagas. Dipugaaaaa!

Ang nakaraang resulta ng Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) ay nagbigay diin sa kakulangan ng kahandaan ng mga guro sa Pinas. Lumabas din sa isang pag-aaral na isinagawa ng PBEd na higit sa kalahati ng mga guro ay mababa sa national average ang grado sa BLEPT. Kaya nararapat lamang na atasan ang mga paaralan na bigyan ng mataas na kalidad ng mga kumukuha ng Edukasyon sa kolehiyo.

“We eagerly await CHED’s directive to shut down poorly performing programs, as future teachers deserve to be trained in good schools. However, we recognize that the BLEPT itself must also be evaluated and improved to ensure it effectively measures a teacher’s readiness,” ani Raagas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! 

Hinikayat din ng PBed ang mga lokal na pamahalaan na tumulong sa pagtugon sa problemang pang-edukasyon sa pamamagitan ng pagbuhos ng kadagdagang investment para sa pagpapatupad ng programang pang-edukasyon. Ito ang inaasahan sa isa programang ipa-priotirized ni DILG Secretary Jonvic Remulla. Abangan!

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with