Inspirasyon at motibasyon…GULAYAN SA BARANGAY CATMON

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang model garden sa barangay na nagsisilbing inspirasyon at motibasyon sa iba sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman dahil organisado at maganda ang kanilang mga tanim na gulay.

Ang aking tinutukoy ay ang Gulayan sa Barangay Catmon, Sta. Maria Bulacan na pinamumunuan ni Chairman Bernardino Adriano na pinangangasiwaan ni Mary Joyce Garcia, farm manager at consultant.

Ayon kay Chairman Adriano, humingi sila ng tulong kay Mary Joyce dahil sumali sila sa search for the Best Gulayan sa Barangay 2024 sa buong lalawigan.

Agad naman pumayag si Mary Joyce at tulong-tulong na inayos ang Gulayan sa Barangay na ang lupa ay pag-aari ni Chairman Adriano.

Sinabi ni Mary Joyce, bata pa lamang siya ay mahilig na sa pagtatanim, hanggang maging ganap na nurse ay hindi niya iniwan ang farming at patuloy na nagtuturo at nagsisilbing consultant sa maraming farm owner sa ating bansa.

Makalipas ang ilang araw ay naging luntian ang dati ay tiwangwang na lupa na ngayon ay simbolo ng kagandahan dahil sa mga tanim na gulay.

Organize at maganda sa paningin ang mga tanim dahil nakahanay ang mga magkakatulad na halaman.

Sa bukana pa lamang ng garden ay may tanim na pechay, mustasa at labanos na korteng “Welcome to Barangay Catmon Gulayan sa Barangay,” na pawang nakatanim sa mga bote ng sofdrinks.

Sa paligid naman ay mga bumabaging na tanim tulad ng upo, patola, ampalaya at kalabasa.

Nakahanay din ang mga tanim na sitaw, talong, saluyot, kamote at kangkong.

Sa green house naman nakatanim ang iba’t ibang variety ng lettuce na hydroponics ang mode of farming.

Nasa isang green house rin ang lahat ng punla na nagsisilbing nursery ng Gulayan sa Barangay.

Mayroon din “Botika sa Garden” sa barangay Catmon na nakahanay ang iba’t ibang medicinal plants.

Binisita na ng mga opisyal sa DA-Region III, High Value Crop Development Property, Provincial Government of Bulacan at Municipal Gov’t of Sta. Maria at kumbisido na makakakuha ng magandang award ang grupo ni Kapitan Adriano sa nasabing search.

Natural at organic farming ang pamamaraan ng pagtatanim sa barangay Catmon dahil may alaga silang African Night Crawler (ANC) o mga bulate at gumagawa sila ng sariling “concoction” para magamit na pataba at insectiside sa kanilang mga tanim tulad ng fermented fruit juice, fish amino acid, compost at iba pa.

Bukod sa mga barangay official ay marami ring magulang at estudyante ang nagpapaturo ng pagtatanim kay Mary Joyce Garcia.

Sadyang nagpupunla ng marami sa barangay Catmon para ang mga sobra sa kanilang pagtatanim ay maipamigay sa kanilang mga kabarangay.

Iniimbitahan ni Chairman Adriano at Mary Joyce ang lahat, lalo na ang mga kapwa barangay official sa buong bansa, mga profesional, kabataan, magulang at senior citi-zens na magtanim tulad ng kanilang ginagawang pagtatanim.

Ngayong Linggo, October 27, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay barangay Chairman Adriano at Mary Joyce sa kanilang garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments