^

PSN Opinyon

Police trainees, pinag-‘69’ ng kanilang trainors!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HAPPY birthday NCRPO director Maj. Gen.Sidney Hernia Sir!

•••••••

Hindi pa nga lumalamig ang kaso ni Colonel “manyakis’, abayyyy may insidente na naman na “hazing” sa police ­trainees. Ang kumakalat na balita sa Camp Crame, pinag-69 ng anim na trainors ang mga lalaking police trainees. Purbidang ­yawaahhhhh!

Gawain ba ng matinong Kristiyano ‘yan? Kaya tulad ni colonel manyakis na naglasing at pumatong sa policewoman recruit sa PRO12, mabilis pa sa alas kuwatro na sinibak ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang police tainors.

Mukhang seryoso talaga si Marbil na linisin ang hanay nila ng mga pasaway, di ba mga kosa? Nararapat lang na ma-dismis sa serbisyo si Colonel manyakis at anim na police trainors para hindi na sila pamarisan pa. Mismooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung naganap ang kamunduhan ni Colonel manyakis matapos ang inuman nila ng mga opisyales ng PRO12, ganundin ang nangyari sa police trainors, ayon sa mga kosa ko.

Habang masayang nag-iinuman ang anim, abayyy pinagkainteresang pakialaman ang hawak nilang police trainees. Ayon sa balita sa Camp Crame, tinawag ng mga police trainors ang apat na lalaking police trainees at pinaglaruan sila bilang bahagi kuno ng hazing. Tsk tsk tsk! Di ba ipinagbawal na ng pamunuan ng PNP ang hazing?

At sa puntong ito, inutusan ng anim na trainors na mag-69 ang police trainees sa kainitan na inuman nila. Araguyyyy! ­Siyempre, masayang-masaya ang mga hinayupak na trainors sa nasaksihan nila. Dipugaaa!

Dapat mawala na ang mga demonyong ito sa hanay ng PNP. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ano pa nga ba?

Kaya lang, ang kasayahan ng mga mokong ay napalitan ng sangkaterbang problema. Nakarating kay Police National Training Institute (PNTI) Director John Chua ang insidente at kaagad-agad na ni-relieve sila. Restricted sa kampo ang anim at nag-utos si Chua ng masusing imbestigasyon.

Sa utos naman ni Marbil, humaharap sa ngayon ng summary disciplinary hearing ang anim na mokong. Hayan, mirisi n’yo! Kapag napatunayang guilty sila, mabilis lang ang pagkumpas ni Marbil ng kanyang kamay na bakal para idismis sila sa serbisyo. Get’s n’yo mga kosa?

Dahil lang sa ilang bote ng alak, isinugal ng mga PNCOs ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Mahihinto ang tulo nang malaking suweldo sa ATM nila kaya’t nganga rin ang mga asawa’t anak nila. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang tanong sa ngayon, bakit paboritong gawing laruan ng mga pulis ang police trainees? Hindi lang dapat itong sina Colonel manyakis at anim na mokong ang imbestigahan ng PNP kundi alamin din ang kalagayan ng kanilang mga biktima.

Kasi nagdanas din ang mga ito ng trauma at stress at higit sa lahat magiging sentro sila ng tampulan o Marites. Magagawa pa kaya nila ang trabahong iaatang sa kanila matapos ang nangyaring kabastusan na sinapit nila?

Tiyak, alam na ni Marbil ang nararapat n’yang gawin bilang ama ng aabot na sa 230,000 kapulisan. Mismooo!

Kailan kaya hihinto ang pagmamalabis sa police recruits? Abangan!

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with