^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may sore throat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sore throat ay palatandaan na ikaw ay magkakaroon ng sipon o trangkaso. Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at nawawala sa loob ng limang hanggang pitong araw.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore throat. Kadalasan ay nagmumula ito sa impeksyon mula sa virus o bacteria. Kapag virus ang dahilan, puwedeng hindi muna uminom ng antibiotics. Ngunit kung namamaga ang tonsils at may mga puti-puti na nakikita sa lalamuman, ang ibig sabihin ay may bacteria ito at kailangang uminom ng antibiotics.

Ang mga virusis at bacteria ay maaaring pumasok sa bibig at ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o paghatsing ng ibang tao. Puwede rin na ikaw ay gumamit ng kutsara, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono na ginamit ng may sore throat. Maaari ring magdulot ng sore throat ang hyperacidity. Ang allergy ay puwede ring pagmulan ng sore throat.

Narito ang mga dapat gawin para mawala ang sore throat:

1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maglagay ng 1 kutsaritang asin sa isang basong mali­gamgam na tubig at haluin ito. Imumog ng ilang segundo. Mababawasan ng tubig na may asin ang pamamaga ng tonsils. Magmumog ng apat na beses sa maghapon.

2. Uminom nang maraming tubig, tsa-a o sabaw. Uminom ng walong basong tubig sa maghapon para lumabnaw ang plema.

3. Humigop ng sabaw ng nilagang manok. Ang chicken soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara dulot ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pamamaga ng tonsils at paggawa ng plema. Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid, ang cysteine, na lalabas sa pagluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema sa baga at pinapabilis ang paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.

4. Kung masakit ang lalamunan, gumamit ng throat lozenges.

vuukle comment

TRANGKASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with